Maingay na paligid, patay sinding ilaw, andito kami sa club dahil napagdesisyunan namin na mag party para kay brianna, pero siya mismo ang hindi namin sinama, ewan ko ba dito sa dalawang mokong na kasama ko."Ang swerte ni brianna no?"
"Ang sabihin mo Lance,baka si joshua ang swerte kay brianna" pagtatama ko sa kanya. Aba maswerte siya sa kaibigan ko mahal siya kahit para siyang ewan.
Napabuntong hininga na lang ako."Ang lalim nun ah, problema mo?" tanong ni justine habang umiinom.
"Pangit ba ko?"
"Hindi mo alam?" aba nakaka offend tong si justine tinawanan pa ko, nakitawa rin si lance.
"tsk, sabi na nga ba, hindi ba babae ang tingin niyo sa akin? hindi ba kayo natatamaan ng charms ko?" ayan Din buhatin mo lang yung sarili mong upuan.
"Hindi" tipid na sagot ni justine.
"Hindi? eh ano lalaki tingin niyo sa akin?"
lalo pa silang tumawa, seriously naiinis na ko sa kanila muka ba kong clown at tuwang tuwa sila sa akin. Tinarayan ko lang sila."Hindi naman lalaki tingin namin sayo, hindi lang kami natatamaan ng charms na sinasabi mo,ewan ko lang kay lance,malay mo siya yung natatamaan ng charms mo."
tumingin naman ako kay lance at inantay siyang magsalita."Oo, nga malay mo natamaan ako ng charms mo" sabi niya at nag wink pa. Bakit parang di siya sure sa sinabi niya.
"Ay naku mga babae nga naman pati mga ganyang bagay pinoproblema, oh ito baka sakaling mawala yang problema mo" inabot sa akin ni justine yung whisky kinuha ko naman pero wala akong balak inumin yun dahil mababa yung tolerance ko sa alak baka mamaya malasing pa ko mahirap na.
Hinayaan ko lang silang mag-inuman, si Justine naman ay pumunta sa dance floor at nag sasayaw, muka siyang timang kung sumayaw haha, kung hindi lang siya gwapo
hindi siya papaligiran ng mga babae doon, bakit kaya hindi na lang sila ni brianna, sabagay ayos lang rin mokong tong si Justine eh.Naramdaman kong may kumakalabit sa akin, pero hindi ko siya pinansin, kinalabit niya lang ulit ako ng kinalabit hanggang sa mainis na ko, hinarap ko yung kumakalabit sa akin at nakita si Lance na nakangiting parang aso.
"Hoy, problema mo? muka kang sira" inusog ko yung muka niya dahil masyadong malapit. Pigilan niyo ko baka mamaya lalo akong ma-fall sa taong ito."Alam mo ba na kaya ko niligawan si brianna kasi hindi ako maka move-on doon sa ex ko, nakakatawa no? gagawin ko sana siyang rebound, kaso hindi niya ko sinagot"
aba siraulo pala ito, what? hindi siya maka move on sa ex niya? mabuti na lang pala hindi siya sinagot ni brianna."Ang gago mo pala eh" sabi ko at uminom.
"Alam ko, pero nung niligawan ko si brianna inaamin ko nagkagusto na ko sa kanya, yung nalaman ko yung ugali niya, naisip ko na ang gago ko, kung gagaguhin ko lang yung katulad niya." tama na, ayoko ng marinig pa yung mga sinasabi mo lance, lalo lang akong nasasaktan. Uminom ulit ako.
"Din, alam mo ba yung ex ko mahal na mahal ko iyon" Oo na mahal mo na siya, hay buhay bakit ba ang manhid ng mga tao ngayon. Hindi ko na siya pinatapos magsalita at iniwan siya, bahala siya sa buhay niya.
Naglakad ako papunta sa park at umupo, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko, alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya pero ang sakit pala talaga pag sa kanya na mismo nang galing.
Natawa ko nung naalala ko nung nasa mall kami, ang assumera ko talaga, bakit ba kasi binigyan ko ng meaning yung pagsama niya sa akin yan tuloy ang sakit sakit.ito na siguro yung time para kalimutan na nagkagusto ko sa isang Lance.
itutuloy...
**
N: Vote and comment po kayo :)
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Snob
Teen FictionSana tanggapin mo ito, ito ang pangalawang araw ng panliligaw ko sayo." sabi ko kay Josh. "Second day ng panliligaw?" di niya makapaniwalang tanong. natahimik ako dahil nag iba yung aura niya. "bakit pumayag ba kong magpaligaw sayo?"...