VI

4.1K 97 5
                                    

             Hindi ko natapos ang susunod na ibibigay ko kay josh, di ako mapakali dahil sa kasama niyang babae. Nakahiga na ko at hindi rin ako makatulog, Ala una na ng umaga at dilat na dilat parin ang aking mga mata, bandang alas dos dinalaw na ko ng antok.

             Nagising ako ng ala sais ng umaga, ganito talaga ko pag may problema pag late natulog maagang nagigising, ginawa ko ang morning ritual ko naghilamos ng tatlong beses, nag toothbrush at nag suklay. Hinanda ko ang kakainin ko, ako lang mag-isa dito sa bahay dahil nasa ibang bansa ang pamilya ko. Kaya tuwing umaga umaasa ako sa alarm clock para magising ng maaga.

           Hinanda ko ang sarili ko at pumasok.
bumungad sa akin ang isang lalaki na may dalang bouquet at chocolates, Nakaharang siya sa dadaanan ko.

            "excuse me."sabi ko, nagulat ako ng inabot niya sa akin kanyang dala.

              "please tanggapin mo" sabi nung guy.

            "sorry hindi ako natanggap ng ganyan'' ganito rin ang sinabi ni josh sa akin.

          "tanggapin muna sayang naman ito" nakayuko niyang sabi.

          "sige na nga" naawa kasi ako tsaka sayang nga naman.

         "ako nga pala si Lance" nilahad niya ang kanyang kamay.

         ''uhm, hi" ilang kong sabi sa kanya.

          "pwede ba tayong sabay mag lunch?" tanong niya.

        Sasabay ba ko? sige na nga para mawala naman sa isip ko si joshua.

        "Ok" sagot ko sa kanya.

       "sige, see you mamaya susunduin kita" ngiting ngiti niyang sabi.

        Dumiretso ako sa room.

        "wow, chocolates penge ah, sinong nagbigay'' tanong ni Din
inabot ko sa kanya yung chocolate at kinain agad.

         "Lance daw" nabulunan sya sa pagkain.

         "Di nga?" tanong niyang hindi makapaniwala.

       "Oo nga kulit" di ko na siya pinansin.

       After ng discussion, wala kaming prof. naglabasan ang mga classmate ko at si Din dahil lunch na rin naman ang sunod mahabang vacant. Natulog ako sa desk ko. Nagising ako dahil may kumakalabit sa akin, pagtigin ko si Lance.

         Niyaya niya ako sa may rooftop ng school, at doon nakita ko na may nilatag siyang tela parang picnic lang ang setting. Pinaupo nya ko at pinaghandaan ng kakainin. Pinakain niya ko.

          Matagal kong tinitigan ang pagkain sa harap ko.

         "Lance" tawag ko sa kanya.

        "bakit? ayaw mo ba ng pagkain?" tanong niya.

           "hindi sa ganun, ang kapal naman ata ng muka ko kung kakainin ko ito." sagot ko sa kanya.

          "ha? bakit naman?" takang tanong niya.

          "sorry, sorry kasi gusto kong itigil muna ang nararamdaman mo para sa akin, ayokong umasa ka pa lalo." sabi ko sa kanya.

          "ganun ba? haha ayos lang atleast sinabi mo agad. Ok lang yan kainin muna sayang naman effort ko diyan." ramdam ko ang lungkot niya, kaya para pampagaan sa kalooban niya kinain ko iyon.

          Natapos kaming kumain, nagkwento lang siya about sa sarili niya. Sikat pala siya dito sa school, madami rin siyang fans, Engineering ang course niya. tapos nakalimutan ko na yung iba.

         tinanong niya ko kung bakit binasted ko agad siya eh, wala pa naman daw siyang ginagawa pa.

        "alam mo kasi, hindi ako kagaya ng ibang babae na nagpapaligaw sa mga lalake na sa una pa lang alam na nilang hindi nila yun sasagutin, parang ang dating kasi nun sa akin pineperahan lang nila ang mga nanliligaw sa kanila no offense pero karamihan ganun, kaya hanggat maaga pa sinasabi ko na iyon sa manliligaw ko para less gastos at less sakit na mararamdaman nila atleast hindi na sila umasa na may chance pa."

          Tumango naman siya sa sinabi ko at inalok na lang niya ko bilang kaibigan niya dahil natutuwa daw siya sa akin.

         "Muka ba kong clown? kakaiba ka rin sa ganda kong ito." hinampas ko siya.

      nagtawanan lang kami hanggang napatingin ako sa relo ko.

     "Late ka na ba?" tanong ni lance.

       "Oo, 30 mins. late, malamang namarkahan na kong absent dun" sabi ko.

        "Naku dahil tuloy sa akin absent ka." sabi ni lance.

        "Hindi ayos lang masaya ka kasing kasama kaya hindi ko na pansin ang oras."
nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

        Si joshua kaya kumain na? di ko pa siya nakikita ngayong araw.

       "brianna, anong nagustuhan mo kay joshua?"

        kay joshua?

       "Siya mismo"

itutuloy...

®

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon