"anong kalokohan to?" pambungad na tanong sakin ni josh.
"ang kulit nito, lagi na mo na lang sinasabing kalokohan ang mga ginagawa ko"
inabot ko sa kanya ang isang jar na punong-puno ng mga nakatuping fancy papers. kinuha naman niya ito."anong gagawin ko rito?" takang-taka niyang tanong.
"kumuha ka ng isa tapos buksan mo." sinunod naman niya ang sinabi ko.
" You, you, you, You're all I think about" binasa niya ang una niyang binuksan at nagtangkang kumuha ulit pero pinigilan ko siya.
"Isa lang kada isang araw, nakadalawa ka na nga ngayon eh, abuso tawag dun."
"ok, sige alis na ko, salamat dito" umalis na siya.
***
Ohh-Emmm grabe tinanggap niya yung ginawa ko, ngayon ko lang naramdaman yung pagod dahil sa paggawa ko nun. Nasa 50 yun at hindi lang siya basta nakatuping papel na may nakasulat, may design lahat iyon. at ginawa ko yun ng puno ng pagmamahal.
"Din, San ka galing?" dire-diretso siya sa upuan niya. Anong problema nun, nilapitan ko siya.
"Hoy, Din anong problema mo?"
"Kasi naman yung inaabangan kong palabas hindi pinalabas kanina" nag pout pa siya pagkasabi.
"Haha, kala ko pa naman kung ano, drama mo natalo mo pa yung mga teleserye.sa tv" hinimpas ko siya habang natawa.
"saya mo ata" irita niyang sabi.
"Syempre, tinanggap ni josh yung ginawa ko" pagbibida ko sa kanya.
"Good for you, malay mo isa si josh sa mga may gusto rin sayo diba?" binigyan niya ko ng mapanuksong ngiti.
"sa tingin mo?" nakangiti ako ng malawak.
"Syempre." sabi ni Din
"talaga?" tanong ko.
"Syempre, Joke lang ito naman asang-asa ka no? ahaha syempre hindi siya kasali sa mga lalaking yun, kasi kung gusto ka nun matagal na ring nagpapansin sayo, tingnan mo nga di ka nga pinapansin nung una nun eh,"
"tsk, paasa ka alam mo yun" tapos bumalik na ko sa upuan ko. Ganyan yan si Din mahilig mag paasa magsasabi ng mga bagay bagay tapos babawiin nya rin sa dulo.
Nagklase lang kami, as usual boring kailan ba naging nakakainteresado ang pag-aaral? ang sabihin mo brianna tamad ka lang sabi ko sa sarili ko.
Natapos ang klase namin at nag pa-alam na ko kay Din, dumiretso ako sa room ni joshua, pero wala ng tao doon.
Mag-isa akong naglakad pauwi sa bahay namin, andaya naman ni joshua di niya sinabing wala na silang klase. Nagulat ako ng may sumabay sa paglalakad ko. Binilisan ko ang paglalakad ko at hindi pinansin ang lalaking katabi ko.
"Hindi mo talaga ko papansinin?" "hanggang kailan mo ba ko iiwasan brianna?"
"hanggang kailan" sagot ko sa kanya.
"sorry na" yun ang magic word bakit ngayon mo lang naisipang mag sorry. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ang lalaking nasa harap ko.
"Bakit ngayon ka lang nag sorry?" tanong ko sa kanya.
"Inunahan kasi ako ng kaba ko, alam mo naman ang laki kong tanga. "
"Tanga ka nga, halika nga dito namiss kita " binatukan ko siya.
Niyaya niya ko sa park, at nilibre ng ice cream.
"Nga pala brianna may nililigawan ka raw"
"ang bilis ng balita nakarating agad sayo Justine"
"ganun talaga may source ako, alam mo namang childhood friend kita eh"
"yeah." yun lang ang nasagot ko sa kanya. nagkwentuhan lang kami at nung palubog na ang araw nag paalam na ko na uuwi na ko.
"sige bye" sabi ko
"bye ingat" sabi ni justine.
Dumaan muna ko sa 7/11 at nagulat ako dahil andun si joshua na may kasamang babae at masaya sila.
Lumabas agad ako ng store dahil di ko kinaya ang nakita ko. Nakita ko pa na tumingin sa akin si joshua pati yung babae.
sino yung babae?
itutuloy...
**
N: Comment and Vote po kayo :)
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Snob
Teen FictionSana tanggapin mo ito, ito ang pangalawang araw ng panliligaw ko sayo." sabi ko kay Josh. "Second day ng panliligaw?" di niya makapaniwalang tanong. natahimik ako dahil nag iba yung aura niya. "bakit pumayag ba kong magpaligaw sayo?"...