XVIII

2.7K 71 0
                                    


             Andito ko sa bahay kasama si Din na umiiyak,Dapat nga ako yung malungkot kasi hindi nila ko sinamang mag-party, pero ayos lang dahil na alala ko si joshua na He's almost there na daw,
parang kanina lang ang saya saya nitong babaeng ito bago ako iwanan doon kina joshua. Tinatanong ko siya kung anong nagyari pero hindi siya nagsasalita, kaya hinayaan ko muna siyang iiyak lahat kung ano mang pinagdadaanan nito.

        Hiniram niya yung laptop ko at nag log-in sa SB(starbook), may pinuntahan siyang wall na ang pangalan ay Rachel Ann James
famous andaming followers.
tiningnan ko lang ang ginagawa ni Din at nakibasa sa mga status update ni Rachel na about Love. Merong status si Rachel na feeling broken, sad and hurt na kakapost lang at umabot na agad sa 435 Likes, nag comment si Din sa status ni Rachel ng I feel you. Seryoso ano kayang problema nitong besfriend ko lovelife ba? eh wala naman siyang naku-kwento sa akin na may gusto siya. Hindi kaya habang nag pa-party sila? napaisip ako baka inaway ni justine? pero hindi rin broken, sad, and hurt eh ano namang kinalaman ni justine diba loko-loko yun at kilala ko itong si Din hindi basta bastang nagpapaloko. Si Lance? ano namang meron kay Lance ang bait-bait nung tao, kaya sure ako na hindi si Lance, baka ibang tao? napapalakpak ako tama ibang tao yun.

        Pagtingin ko kay Din naka tingin siya sa akin ng nagtataka at hindi na siya umiiyak,kaya lumapit ako sa kanya at tinanong kung anong dina-drama niya.
      
      Kinuwento niya lahat mg nagyari, all this time may gusto na pala si Din kay Lance, at nalaman ko rin na balak niya pala akong gawing rebound, Loko yun ah hindi bakas sa muka niya ang mangago, buti na lang ngayon alam ko na. Binabawi ko na yung sinabi ko na ang bait-bait ni Lance, masama pala siya.

        Hanggang matapos mag kwento si Din, iyak pa rin siya ng iyak tapos sabi niya kakalimutan niya na rin na nagkagusto siya kay Lance. Ako naman Oo lang ng Oo sa kanya.

         Nang mapagod na kakaiyak si Din, tiananong ko kung Ok na siya at tumango naman siya.

    

           "so, kamusta yung panghaharan mo kanina?" hay buti naman at nagtanong na rin, akala ko makikipagtitigan lang siya doon sa sahig namin eh.

         "sure kang gusto mong malaman? baka mamaya napipilitan ka lang." hinampas niya ko sa braso at sinabing

        "parang sira to, oo naman ayos na ko at muka ba kong napipilitan?"
         
      
       "malay mo napipilitan ka lang, tapos ayaw mo pang marinig yung kwento ko kasi baka ma bitter ka." tiningnan niya ko ng masama.

       "sabi ko nga magkwu-kwento na ko eh, ito na nga eh." kinuwento ko kaynDin yung nangyari

         "tapos sabi niya huwag daw ako magmadali, darating din daw kami doon, tapos He's almost there na daw kyahh, malapit na kong magka lovelife."
       
        "Masakit brianna" napatingin ako kay Din at nakita ko ag kamay ko sa leeg niya, agad konh inalis ang kamay ko.

         "grabe sa sobrang kilig mo, malapit na kong mapatay."

         "eh, ikaw kasi, sorry na. Ay Din tulungan mo pala akong mag-isip ng best way para mapasagot si joshua "

  
         "okay, no problem" the perks of having a bestfriend.

      
         Nag-isip lang kami ni Din hangang sa parehas na kaming nakatulog.


itutuloy....

***
N: Don't forget to Vote and Comment
    

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon