XIX

2.8K 62 3
                                    


              "ayoko nga brianna"

             "bakit ba kasi ayaw mo, tara na" andito kami ni Din naghihilaan sa hallway papuntang extension canteen.

             "Brianna naman, alam mo namang andun si Lance kaya ayoko." hinila ko ulit siya.

          "Huwag O.A te, hindi naman kayo nag break o kung ano man, magkaibigan lang kayo, hindi ka rin naman nag confess sa kanya na gusto mo siya, Kaya tara na, nagugutom na ko. " Hinila ko lang siya hanggang sa makarating kami sa canteen, at saktong kumakain na yung mga mokong.

           Naki-upo kami sa kanila at nag-order na rin ng pagkain, nagdaldalan lang kami pero si Din tahimik lang, hay ang obvious naman nito.

        "Bakit ka nga pala nawala sa bar? " tanong ni Justine.

       "Ah, kasi emergency, kaya hindi na ako nakapag-paalam." mukang nakumbinsi naman sila.

       "kamusta naman kayo ni Joshua?" tanong naman sa akin ni Justine.

       "Ayos lang, diba?" tanong ko naman kay joshua.

        tumango naman siya at ngumiti.

       "May namumuong sama ng panahon" pang-aasar ni Lance.

       "ayoko na nga, nakakaumay naman kasi" dagdag pa ni justine.

        "chee, mga bitter mag hanap kasi kayo ng inyo"

**-**

        Ilang weeks na ang lumipas, at ngayon na ang araw para gawin ang last step.

       Ano nga ba itong gagawin ko? kahit ako hindi ko pa sure kung anong gagawin ko, nagtanong ako sa mga kakilala ko at nag tanong sa ibang mga lalaki, sabi nila kahit hindi engrande basta sincere daw ,ok sa kanila, hindi naman daw sila ganun kahirap amuhin.

       kaya ang na isip ko ay..

      "Ano ok na ba yan?" tanong ko sa kanila.
halos mataranta na ko, dahil ilang minuto na lang pupunta na si joshua dito.

     "Oo, kumalma ka nga, pati tuloy kami nati-tense dahil sayo." sabi ni Din.

      "Hehe, sorry na, Oh Hello? Papunta na kayo? sige."

       "si Lance ba iyon?"

       "Oo, papunta na daw sila"
       

        Inayos na namin lahat, at inaantay na lang sila Lance na dumating tiningnan ko ang paligid.

Naghanda ako ng date para sa amin ni joshua dito sa rooftop ng building.
Dito ko naisipang mag set ng date dahil maganda ang view at gusto ko sa mga lugar na matataas, Napatingin ako sa direksyon mg pinto at nakita si joshua na nakatayo at halata sa mukha niya ang gulat, naalala ko tuloy nung unang beses ko siyang nakita at kung pano ko nahulog sa kanya.

             Habang naglalakad ako papuntang extension canteen binabasa ko yung ni research ko,at madami akong bitbit na mga papers, dahil inaasikaso ko nga ang research paper ko. Nagawi ang tingin ko sa may gilid ng building ng CEIT, at madaming estudyante
"Oops, sorry"  ayan ang harot kasi natumba tuloy si ate, maghabulan daw ba kasi mga beking ito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang humangin ng malakas, yumuko agad ako dahil ang alikabok at baka mapuwing ako nung naramdaman kong humina na, inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang lalaking nakatingin ay hindi nakatitig pala sa akin. Hanggang sa malampasan ko na siya. Kinabukasan tumatakbo ako papunta sa classroom, dahil late na ako at nagkabanggan tayo dahil tumatakbo ka rin, tumingin ka sa akin at nag sorry. Hanggang sa sumunod na araw lagi na kitang nakakasalubong, tapos isang araw nung nagkasalubong ulit tayo, iba na ang tibok ng puso ko, parang mali ata at doon ko nalaman na unti-unti na pala akong nahuhulog sayo. Pinagtanong ko sa mga classmate ko kung kilala ka nila at swerte nga naman dahil kilala ka nila, para makasigurado na totoo yung sinasabi ng nga classmate ko nag sns ako, kaya pagka-uwi ko hinanap agad kita sa sns. At doon ko nalaman na "Ah, Oo nga Joshua Ang, ikaw yung gusto ko"   Tapos nalaman ko na lang yung sarili ko na gumagawa ng paraan para mapansin mo.
   

        Huminga ako ng malalim at naglakad papunta kay joshua.

        "Hi Joshua" pormal kong bati sa kanya, sabay ngiti.

       Niyaya ko siya doon sa table at umupo, nag-aalangan pa siyang sumama, kaya hinila ko na siya.

          "Huwag ka munang magsalita, ako muna." magsasalita sana siya kaso pinigilan ko.

          "For sure, nagtataka ka kung bakit ikaw, bakit ikaw yung nagustuhan ko at kung paano." huminga ulit ako ng malalim.
"Hindi mo ba ko numukaan nung una mo kong nakita?" umiling lang siya.

           "Sayang hindi mo pala ko namukaan, lagi tayong nagkakasalubong. Nung una nagkakasalubong lang talaga tayo ng hindi sinasadya, pero noong isang araw na  nagkasalubong tayo  planado na yun, tiningnan ko kasi yung relo ko at napansin na ganung oras kita nakikita kaya nagpapalate ako para makasalubong ka. "

         Nakatingin lang sa akin si joshua ng may halong lungkot sa mata.
      
I'd like to say we gave it a try I'd like to blame it all on life.

      Adik talaga yun sila Din, saktong sakto yung tugtog.

Maybe we just weren't right, But that's a lie, That's a lie

         Hinawakan ko yung kamay ni Joshua.
  "Joshua, naalala mo ba nung una mo kong nakita? Tama ka niyaya kitang makipag date kaso ayaw mo tapos iniwan mo lang ako nun, ayun kaya yung unang araw na nanligaw ako tapos basted pa agad." tumawa ako nung naisip ko yun.

And we can deny it as much as we want But in time our feelings will show '

      "Ah-ehem" I cleared my throat. Ito na itatanong ko na
         "Joshua, pwede ka bang maging boyfriend ko? o kaya maging future husband ko? " nanginginig kong sabi.

          "Kasi brianna, may gusto kong iba."

           sh*t "Ah, haha ganun ba? diba ako na rin naman yung gusto mo?" pilit akong ngumiti.
     
       "Oo, kaso nga lang napanaginipan ko siya, tapos ayun. Sorry."
        
  Nagsimula ng pumatak ang luha ko.
        "Diba sabi mo you're almost there. Sino ba yung babae? hindi ba pwedeng ako na lang"

        ''Si Catherine? wala na siya"
     
         "Alam mo ba kung ano yung pinakamahirap kalabanin? yung taong wala na pero buhay na buhay pa rin sa puso't isipan mo, Ano namang laban ko sa kanya diba? Eh mukang wala nang space diyan sa puso mo dahil nasakop na niya." Umiyak na ko ng tuluyan, pero pinunasan ko ito.

Cause sooner or later,

         "Sana sinabi mo agad, para tinigil ko na ito, tama ka nga isang napakalaking  kalokohan lang nitong ginagawa ko"
   
          "Sorry" yun lang yung sinabi niya and with that umalis siya.

we'll wonder why we gave up The truth is everyone knows

           Nakakatawang isipin na iniwan niya ulit ako, kagaya nung una kong panliligaw at ngayon ang huling araw ng panliligaw ko nabasted na naman ako.

   Almost, Almost is never enough, So close to being in love

If I would have known that you wanted me The way I wanted you

Then maybe we wouldn't be two worlds apart But right here in each others arms

    Kagaya ng kantang ito hindi sapat ang kanyang binitawang salitang  Almost.

      Almost, Almost is never enough.

Itutuloy...

****

       
         

  

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon