XII: Din

3.1K 83 0
                                    

             Iniwan kong mag-isa si brianna sa mall dahil tinatamad na kong mag-antay dinahilan ko na lang na hinahanap ako sa bahay para hindi siya makatanggi.

            Ako ang kaibigan ni Brianna Chavez, na mas maganda sa kanya. Joke mas maganda siya sa akin. I'm Nadine Sy pero ang tawag sa akin ay Din, yes, babae po ako at hindi isang lalaki, andami kasing nagtataka kung ano ba talaga ang gender ko.
I mean ganun ba ko kaganda para gawin nilang lalaki?

       Naglalakad ako palabas ng mall ng makasalubong ko si Lance. Naramdaman ko yung feeling na huminto yung oras, at buttrerflies sa aking tiyan, parang sa mga stories lang na nababasa ko, pero kagaya sa mga stories, ako yung babaeng hindi nag e-exist sa mundo niya, kung baga pag gagawan niyo kami ng story ang magiging pamagat ay "Ang pag-ibig na ako lang ang nakakaalam." saklap ng buhay.

           Nilagpasan niya lang ako, as expected kaya dumiretso na lang ako sa paglalakad pero hindi pa ko nakakalayo may humawak sa balikat ko na kinagulat ko pero mas nagulat ako dahil si lance yun.

           "You're Din right?" OMFG kilala niya ko? pano? kinalma ko ang sarili ko at hindi pinahalata na kinikilig ako. Poker face lang Din.

           "Yes, pano mo nalaman?"

        "sabi na eh, ikaw yung kaibigan ni brianna diba?" ouch siguro magpapatulong siya na ligawan si brianna, magtatanong ng kung anong gusto.

          "Oo ako nga" walang gana kong sabi.

        "Hi I'm Lance nice meeting you Din" nilahad niya yung kamay niya at kinuha ko naman.

         "Gusto mo bang manuod ng movie?" tanong ni lance.

      "Ahm, kasi may bibilhin pa ko" pagpapalusot ko.

       "Ah, ganun ba sayang naman isang beses lang ipapalabas yung movie na yun eh, samahan na lang kita"pagpipilit niya.

       "hindi huwag na, busy ka ata."

       "hindi, tara san ka ba bibili?" pagyaya niya.

         Naglakad  akong papuntang supermarket at kumuha ng basket.

      "ako na" kinuha niya yung basket sa akin at ngumiti.

       "tara doon" sabi ko sa kanya.

     pumunta kamì sa section ng mga junkfoods at kumuha ng Nova, Nova ulit, Lays, at Doritos, nung ilalagay ko na sa basket napatingin ako kay lance na nakangiti sa akin, tumalikod agad ako dahil ramdam kong namumula ako. naglakad ulit ako at pumunta sa section ng drinks kumuha ako ng choc-o ang paborito kong inumin.
pagkatapos kong kunin lahat ng kailangan ko, pumunta ko sa countet at nagbayad.

          "Sabi ko sayo ako na ang magbabayad eh" wika ni lance.
 
          "hindi, ayos lang nakakahiya na nga sayo kasi sinamahan mo ko tapos ikaw pa pag babayarin ko."

             "ok lang naman sa akin yun"

             "hindi ok sakin yun, tama na sa akin yung sinamahan mo ko, tsaka hindi mo naman obligasyon yun."

           "nakakatuwa ka, parehas kayo ni brianna."  I smiled at him bitterly.

         "sige, thank you sa pagsama, una na ko."

          "hatid na kita." pagyaya ni lance.

          "hindi huwag na, atsaka diba sabi mo isang beses lang ipapalabas yung movie na papanuorin mo, mukang tagal mong inantay yun eh. "

        "sige sabi mo, ingat ka." ngiting-ngiti niyang sabi.

    "ok, babye"

      "see you sa school, pansinin mo ko ha." sabay wave ng kamay niya.

      Naglakad ako palayo sa kanya, hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng mall, binatukan ko ang sarili ko, dahil sa katangahan na ginawa ko, ayan na yung chance pinakawalan ko pa.

itutuloy ...

**

N: Don't forget to vote and comment :)
           
          

     
        

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon