"'Nay! Ito na ang bagong lutong ulam!" sigaw ko habang dala-dala ko ang ulam na niluto ni Tatay para ipantinda ni Nanay sa palengke.
"Oh Hiraya, anong ulam yan?" tanong ng isang suki naming customer na palaging bumibili ng pagkain samin.
"Ang pinakaespesyal ni Tatay na Bicol Express! bili ka na!" sigaw ko ulit. Para makahagot din ng customer at maubos ang mga paninda namin.
Mahirap lang ang pamilya ko na ang tanging pinagkukuhanan lang namin ng pera ay ang pagtitinda ng lutong ulam sa palengke. Ako ang panganay na anak ng mga magulang ko sa sampung anak nila at hindi na rin ako nag-aaral dahil na rin sa kahirapan kaya naman tumutulong ako sa pamilya ko para matulungan ang mga kapatid kong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi baling hindi ako makapagtapos, ang mahalaga makapagtapos man lang ng pag-aaral ang mga katapid.
Hindi lang paghatid ng ulam kay Nanay ang ginagawa ko, marami akong trabaho na pinasukan dahil sa sobrang daming gastusin. May kapatid pa akong baby na kailangan bilhan palagi ng gatas at diaper. Ewan ko nga sa mga magulang ko na alam na mahirap lang kami, panay pa rin ang pagbubuntis. Parang hindi nahihirapan sa dami ng gagastusin.
Pero masaya naman kaming magpapamilya. Mga bata pa man ang mga katapid ko ay nalinawan na sila sa hirap ng buhay kaya naman hindi sila nagloloko at nagsusumikap na tulungan din kami. Wala silang hinihiling na gusto nilang bilhin katulad na lang ng mga cellphone. Mas gusto nila na ipunin namin ang kinikita namin para umunlad kami kaya siguro hindi rin naiistress sila Tatay sa gastusin namin dahil alam nilang walang hinihiling ang mga kapatid ko. Pero hindi pa rin sapat yung kinikita namin sa pagtitinda ng lutong ulam at sa mga trabaho ko ang gastusin para sa paaralan ng mga bata kaya todo kayod pa rin kami.
Wala akong ibang hinihiling kundi guminhawa ang buhay namin para makapagpahinga na ang mga magulang ko sa kakatrabaho. Tumatanda na rin kasi ang mga magulang ko. Ayoko na silang nakikitang nahihirapan kakakayod samin magkakapatid kaya pinagbubutihan ko talaga ang pagtra-trabaho ko para makaipon.
"And the winner for the Winter Cup Tournament is none other than, the back-to-back all-time champion, Miracle!" napatingin ako sa tv ng kabilang tindahan na nagtitinda rin ng mga ulam. May tv sila na nakapwesto sa itaas. Ayun lang ang panlaban nila samin na may tv sila pero marami pa rin ang bumibili samin.
"Mapalalaki o babaeng team, palaging nananalo ang Miracle." sabi ng isang customer nila.
"Kahit anong gawin ng ibang team, talo pa rin sila. Sobrang galing talaga ng Miracle."
"Ang kaya lang pumalag sa kanila ay ang Shakers pero kulang pa rin ang galing nila para talunin ang Miracle."
"Kaya rin ng Zebra Jacks yan, natatalo nila yung Shakers eh."
"Malapit na rin matalo ng Assassins yung Shakers kung pumasok lang yung huling tira nila nung nakaraan."
"Malas lang sila kaya ganon." pang-aasar ng isang customer nila. "Pero akalain mo 'no? hindi man lang pasok sa top four yung Dragon Empire. Ang dating team na hinahangan ng mga tao noon. Dati pa nga silang win streak eh pero ngayon hindi man lang sila umaabot ng top four."
"Ah oo, naaalala ko nga palaging sinasabi sakin ni lolo nung namumuhay pa sya na sobrang galing ng Dragon Empire. Sila daw yung nangunguna dati. Nagawa pa nga daw nila na ma-one digit lang yung score ng mga kalaban kasama ang Shakers."
"Totoo? one digit lang?"
"Oo daw eh pero yung Miracle lang daw ang hindi nila na-one digit noon. After non, nagawang talunin ng Shakers ang Dragon Empire pero bumalik rin sa Dragon Empire ang champion ng ilang Cup tapos simula non, Miracle na palagi ang nangunguna at hindi na ito natalo pa simula ngayon."
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...