Hiraya's POV
"So, Hiraya..." tumingin ako sa ate ni Ame na si Ate Amy. "Ano ang nagustuhan mo sa bunso namin?" ngumiti sya sakin pero yung ngiti nya ay halatang nang-aasar.
Pansin ko kay Ate Amy ay mapang-asar sya. Lagi syang inaasar si Ame at may pagkapikon naman ang isa. Nakakagulat nga na naaasar ni Ate Amy si Ame na hindi madalas maasar ng mga kaibigan nya.
"Nung una dahil maganda sya." sagot ko naman na nakangiti.
"Wala na bang bago? ayan palagi ang rason ng mga nagkakagusto sa kanya." sabi ni Ryder. Magkasing edad lang kami kaya hindi ko sya tinatawag na Kuya.
"She's cold but cute." nakangiting sabi ko. Ramdam ko naman na nilingon ako ni Ame na katabi ko. "Nacha-challenge akong tunawin sya lalo na alam kong cute si Ame. Ang cool din nya lalo na kapag nasa court sya."
"Parang wala kang pinagkaiba sa mga nagkakagusto kay Ame pero may kakaiba rin sayo. Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano. I mean, ngayon lang naging ganyan si Ame sa ibang tao. Hindi sya ganyan sa mga kaibigan nya, tanging kaming pamilya nya lang sya ganyan." sabi ni Kuya River.
"Sabi ko sayo sagutin mo na ako para magkapamilya na tayo." ngising sabi ko kay Ame.
"Shut up." natawa kami ng Ate nya sa kanya.
"Siguro ay nahihirapan ka sa kanya. Kahit na onti-onti mo na syang natutunaw ay ang hirap pa rin nyang pagtyagaan." sabi ni Ate Amy.
Tinignan ko si Ame at tinignan nya naman ako ng masama. Inosenteng nginitian ko naman sya.
"Pakipot lang po sya pero kaya naman. Madali naman syang pagselosan kapag masyado syang pakipot." inirapan ako ni Ame at nagpatuloy sa pagkain.
"Mukhang naha-handle mo ang katigasan ni Ame. Sayo lang talaga ganyan si Ame." sabi ni Ryder.
"Akala ko nga mahihirapan talaga ako sa kanya." muli akong tinignan ni Ame. Nginitian ko naman sya ng makahulugan. Pinaliitan nya ako ng mata na para bang binabasa pa ako. "Halik lang pala ang kailangan para matunaw sya." nasamid sya pati na rin ang dalawang kuya nya habang natawa si Ate Amy at hindi naman makapaniwala ang mga magulang nya na nakatingin samin.
"Naiintindihan mo na ba kami kung bakit gustong gusto naming hinahalikan ang mga asawa namin?" nang-aasar na tanong ni Ate Amy.
"Shut up." wala na bang ibang masabi itong si Ame at puro na lang shut up?
"Late talaga magdalaga ang bunso natin." sabi ni Tito Ryker.
"Ang dami-dami ngang nagkakagusto sa kanya pero wala naman magustuhan. Puro kasi paglalaro ng basketball ang nasa isip." sabi ni Kuya River.
"Masyado kasing idol si Mama, akala naman nya matatalo nya." sabi naman ni Ryder.
"Kaya ang boring ng life mo eh. Mabuti na lang talaga dumating si Hiraya para kulayan yang boring mong buhay. Umabot na ba kayo ng second base?" patuloy na pang-aasar ni Ate Amy.
"Not yet." nakangiting sabi ko. Napa-ohhh naman ang magkakapatid at tinignan na nang-aasar ni Ame.
"Tigilan na nga ninyo ang pag-aasar kay Ame. Pulang pula na ang mukha oh." sabi ni Tita Aria pero halatang inaasar din naman ang anak.
"Ang cute-cute mong pagmulahan ng mukha, Ame." tuloy naman na pang-aasar pa ni Ate Amy.
Tinignan ko si Ame. Masama ang tingin nya sa mga kapatid nya habang namumula ang mukha. Napangiti ako dahil ang cute talagang mag-blush nito ni Ame.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...