Chapter 32

11.6K 721 457
                                    



Hiraya's POV

"Pwede bang bilisan mo ang paglalakad mo?" ibinaba ko ang camerang hawak ko at tinignan si Ame na nangungunang maglakad. Nakakunot ang noo nyang nakatingin sakin.

"Ang ganda kaya ng view. Gusto ko lang kuhaan ng picture." sabi ko at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang pawis nya.

"Okay sana kung marami ang dala mo." sabi nya at nagsimula ulit maglakad.

Napangiti ako. Mas marami syang dala kaysa sakin. Ginusto nya rin naman na dalhin ang mga dala nya at ayaw nyang magpatulong. Malakas din naman ako.

Maaga kaming umalis para umakyat ng bundok. Wala kaming mga kasabayan na umakyat dahil hindi naman ito ganon pinupuntahan ng mga tao. Medyo delikado kasi ang daan kaya ayaw nilang akyatin pero ang hindi nila alam may ibang daan na madaling lakarin. Medyo mahaba lang.

Nakarating kami sa pinakataas ng bundok pero naglakad pa kami ng konti para tunguin ang talon. Pwe-pwesto kami malapit sa talon para malapit lang ang mga gamit namin. Isa pa ay napakatago ng talon na pupuntahan namin kasi puro gubat pa ang madadaanan bago matunton ang talon. Wala masyadong nakakaalam sa lugar ng talon kaya malaya kami ni Ame.

Nakarating kami sa talon. Ang ganda ng lugar dahil hindi masyadong magubat at ang clear din ng tubig sa talon. Ang sarap tuloy maligo agad.

Nag-ayos agad kami ni Ame ng mga gamit. Sya ang umayos ng tent namin habang inaayos ko naman ang mga pagkain namin. Pagkatapos kong mag-ayos ay maraming pang oras bago magtanghalian kaya naman nagtingin-tingin na lang ako sa lugar. Lumapit ako sa bandang bangin para makita ang malawak na view. Puro puno at bundok ang nakikita ko.

"Bakit mo pala nagustuhan mag-camping?" tanong ko kay Ame nung maramdaman ko ang presensya nya. Nilingon ko sya na tumabi ng tayo sakin.

"Nare-relax ako." gusto ko sanang asarin sya na lahat naman ayun ang rason ng mga nagca-camping pero nung makita ko ang mata nya na talagang na-relax sya ay hindi ko na tinuloy. Ibang-iba ang mga mata nya ngayon na akala mo ay nakalaya.

"Kailan ka nagsimulang mag-camping?" tanong ko ulit.

"Nung fifteen years old kami ni Zed. Inaya nya akong mag-hiking para maiba naman daw ang hobby namin. Nabitin ako sa ginawa naming hiking dahil hindi ko masyadong na-enjoy ang nature at naramdaman kong may kulang sakin non kaya simula non ay nagca-camping ako once a month."

"Mas sarap talagang mag-camping. Malayo sa syudad, sa mga tao at nakakawala ng problema." sa past life ko palagi rin ako nagca-camping. Ngayon ko lang ulit nagawang mag-camping dahil may pera na ako para sa mga gamit. Though nagawa ko rin naman nung mahirap pa ang buhay namin noon pero mukha lang akong pulubi dahil natutulog ako na walang kagamit gamit.

"Ngayon ko lang naramdaman na walang kulang sakin." tinignan ko sya na nagtatanong. Nakatingin pa rin sya sa view. "Nagagawa kong mag-relax kapag nagca-camping ako pero may bumabagabag sakin minsan na hindi ko naman alam kung ano ang kulang."

"Dapat ba akong matuwa dahil mukhang ako ang kulang mo?" nakangiting nang-aasar ko.

"Baka ikaw nga." nilingon nya ako na ikinatigil ko. Sobrang relax ngayon ni Ame. Wala akong makitang pagiging cold nya at bahagya pa syang nakangiti sakin.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay nya. "Ngayon alam na talaga natin na bagay na bagay tayong dalawa." mas lalo syang ngumiti at umiling.

"Ewan ko sayo." binitawan nya ang kamay ko at umalis. Pagtingin ko sa likuran ay hindi pa sya tapos mag-ayos ng tent. Malaki kasi ang binili naming tent kaya natatagalan sya.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon