Chapter 18

9.9K 733 520
                                    



Ember's POV

Nakapikit at panay ang hikab ko habang hila-hila ako ni Freya kung saan man nya ako dadalhin. Wala akong lakas na kulitin sya kung bakit nya ako ginising ng sobrang aga lalo na cancel naman lahat ng gagawin ngayon araw dahil sa ulan. Sobrang antok na antok pa ako dahil anong oras na ako natulog.

"Nandito na si Ember!" sigaw ni Freya kaya napamulat ako. Napansin ko agad sila Vien at Percy. Nagtatakang tumingin ako sa loob ng half indoor court dahil nakatayo parehas si Dulce at Hiraya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ko.

"Hinamon namin si Hiraya na makipag-one-on-one samin para makipagbati ang tatlo sa kanya." sagot ni Freya at hinala ako sa dalawa. "Mag-kape ka muna para magising ang diwa mo." binigyan nya ako ng baso na may mainit na kape. Nagtataka ako sa nangyayari tapos nag-aalmusal sila dito.

"Bakit dinamay ninyo pa ako dito?" tanong ko sa kanila.

"Ayaw mo bang panoorin ang bata mo?" tanong ni  Percy.

"Antok na antok pa kaya ako tapos gigisingin ninyo ako para panoorin kayo. Alam ko naman kung gaano kagaling si Hiraya." reklamo ko sa kanila.

"Wow, laki ng tiwala kay Hiraya ah." nakangiting sabi ni Freya at sinubuan pa ako ng tinapay.

Inubos ko muna ang tinapay bago magsalita. "Para sabihin ko sa inyo, hindi pa namin nakikita ang buong lakas ni Hiraya. Sinasabi palagi ni coach Keira na hindi pa nagigising ang totoong galing nito. May posibilidad na sya ang bagong Dragon ng team."

"Edi mas lalong okay ang larong 'to. Baka mapalabas ni Dulce ang sinasabi mo na natutulog na galing ni Hiraya."

Nilingon ko naman ang dalawa. Nagsisimula na silang maglaro pero parang nagwa-warm up pa lang sila dahil hindi pa sila ganon kaseryosong maglaro.

"Hindi ko na alam kung gaano na kagaling si Dulce pero nagagawang talunin ni Hiraya si Katsumi." nagulat silang tatlo sa sinabi ko.

"Katsumi? Katsumi Walker?" tumango ako kay Vien.

"Kaya ba ganon na lang katiwala mo kay Hiraya?" muli akong tumango kay Freya. "Interesting."

Bumuntong hininga ako. "Mabuti na lang talaga ay wala tayong gagawin ngayon kaya after nito ay makakatulog ako ng diretso. Nandito naman si Hiraya kaya kung may kailangan kayo sakin, sa kanya na kayo lumapit."

"Parang sinasabi mo na matatalo kami huh." sabi ni Vien.

Nakitbitbalikat ako. "Maganda na rin na makalaban kayo ni Hiraya para mas dumami ang experience nya bago nya makalaban si Ame."

"Ame Levinson? huh! imposibleng matalo nya 'yon."

"Imposible man pero at least, kaya nyang labanan si Ame." nakangiting sagot ko. Tinignan lang ako ng tatlo na para bang hindi sila naniniwala.

Pinanood na namin ng tahimik ang dalawa na mukhang nag-iinit na. Hindi namin alam kung anong score na nila at kung sino ang lamang. Si Hiraya ang may hawak ng bola ngayon at sinusubukan ni Dulce na pigilan at kunin ang bola mula sa kanya.

Magaling humawak ng bola si Hiraya. Konti palang sa team namin ang nakakagawang kunin ang bola mula sa kanya sa sobrang galing nitong iiwas. Magaling din syang mag-steal kaya nga maraming nagulat na isa lang syang beginner sa sobrang galing nyang humawak ng bola.

Nagawang lagpasan ni Hiraya si Dulce at nagtuloy sa ring. Tumalon ito at nagbalak na mag-dunk pero nagawang tapikin ni Dulce ang bola. Kita naman sa mukha ni Hiraya ang gulat.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon