Hiraya's POV
"Hi Lala, Mamita." nakangiting bati ko sa dalawang matanda at nagmano.
"Napadpad ka." nakangiting sabi ni Mamita.
"Dito po ako matutulong ngayon at bukas. Namiss na ako ni Ame eh." natatawang biro ko sa huli.
"As if." sagot ni Ame na naupo sa harapang upuan ni Lala.
"Pakipot ka pa." nakangiting sabi ko. "Lala, Mamita, ako magluluto ng pagkain habang nandito ako."
"Hindi ka ba napagod sa laro mo kanina?" nag-aalalang tanong ni Mamita.
"Napagod po pero gusto ko rin ipagluto kayo." tila wala ng magawa si Mamita kaya hindi na ako pinigilan pang magluto.
"Ipapahanda ko na ang guest room na gagamitin mo habang nandito ka." sabi ni Mamita.
"Wag na Mamita, sa kwarto ni Ame ako matutulog." ramdam kong napatingin samin si Ame.
"Wala sa usapan na matutulog ka sa kwarto ko."
"Wala rin akong sinabi na sa guest room ako matutulog." nakangiting sabi ko. Tinignan nya ako ng malamig pero hindi naman ako natinag. "Magsisimula na akong magluto. Ame, pakidala na lang ng gamit ko sa kwarto mo, okay?" kinindatan ko sya bago nagtungo sa kusina.
Binati ko ang mga kasambahay nila at sinabi na ako ang magluluto habang nandito ako. Tinulungan nila akong mag-prepare para daw maagang matapos at makapagpahinga ako dahil napanood daw nila ang laro ko kanina laban sa Shakers kaya daw alam nilang pagod ako. Bahagya naman ako nagulat na pinanood nila ang laro namin.
Kahit pala mga tao dito ay mahihilig sa basketball.
"Hiraya." napatingin ako sa likuran at nakita si Lala Dite. Naupo ito sa isang upuan habang nakaharap sakin. "Ngayon ko lang nakita ang laro mo at napahanga mo ako."
Napangiti ako. "Isang karangalan na mapahanga ang isang legendary player ng basketball." tinaasan nya ako ng kilay at bahagyang napailing. "Pero hindi pa ako ganong nagseseryoso sa laro kanina."
"I thought so." tinignan ko sya na napansin nya 'yon. "Parang ka lang si Tita Avey na hindi madaling mapaseryoso sa laro."
"Ganon po si Lala Avey?" tanong ko.
"Iba ang level ni Tita Avey. Magseseryoso lang sya kapag ang kalaban nya ay kaya syang talunin. Hangga't nafe-feel nyang hindi sya matatalo ay maglalaro lang sya sa kaya nyang manalo na hindi nagseseryoso."
"Napag-aralan ko ang Shakers kaya alam ko kung paano sila tatalunin. May mga pagkakataon lang na nabigla nila ako." nakangiting sabi ko at muling nagtuloy sa pagluluto.
"Halatang pinaghandaan mo talaga ang Cup tournament. Tama lang na naging captian ka. Bagay na bagay din sayo na maging captain." napangiti ako kahit na hindi nya nakikita.
"Minsan nakaka-stress din maging captain sa dami ng gagawin pero nag-eenjoy din ako na pamunuan ang team."
"Can't relate. I hate works." bahagya naman akong natawa kay Lala.
"Puro siguro kayo laro."
"Mas masayang maglaro kaysa magtrabaho." napangiti ako. "Inaasahan ko ang magandang laro ninyo ni Ame."
"Hindi na rin ako makapaghintay na makaharap sya." nilingon ko sya na may ngiti sa labi. Siguradong si Ame lang ang kayang magpaseryoso sakin sa laro kaya hindi ako makapaghintay sa magiging laro naming dalawa.
Siguradong mahihirapan din ako sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay tumambay agad ako sa kwarto ni Ame. Si Ame ay nagpra-practice pa sa labas kaya nauna na ako sa kwarto nya. Sobra-sobra na ako ngayon sa basketball kaya hindi ko na sya pinanood pa.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...