Amethyst's POV
"What's with the sad face?" tanong ko kay Tori. Nasa tapat ako ng bahay nila ngayon at nagpapaalam na uuwi na sa Manila. Naka-pajama pa sya at hawak-hawak ang teddy bear nya. Para talaga syang bata.
"Can't you stay longer?" imbis na sagutin ang tanong ko ay tinanong nya ako.
"Masyado mong na-enjoy na makasama ako."
"May bagong nang-iispoiled sakin so can't help it." nakitbitbalikat pa sya. "Gusto mo na ba talagang bumalik sa reyalidad? ang masaktan?"
Tinitigan ko naman sya. "Hindi ko matatakbuhan ang sakit, Tori. Kasalanan ko naman kaya deserve ko rin ang masaktan."
"Ano ba kasi ang ginawa mo?" umiling ako.
"Si Hiraya ang tanungin mo."
"Wala akong contact nya." nakitbitbalikat ako. "Pahingi pala ng contact mo para kapag pumunta ako ng Manila ay ikaw ang una kong pupuntahan."
"Bakit hindi si Hiraya? pwede ko naman ibigay sayo ang contact nya."
"Ayaw mo ba akong makita?" lungkot-lungkot naman nyang sabi. Nagpapaawa pa sya.
"Ganon mo ako gustong makasama kaysa kay Hiraya?" napa-smirk naman ako at napailing.
"Nagkikita naman kami ni Hiraya kapag napapadalaw sya sa mga Empire team."
"Yeah, whatever. Nasaan ang cellphone mo?" tanong ko sa kanya. Inilabas nya naman ang cellphone nya at inabot sakin. Agad kong sinave ang number ko. "There. Aalis na rin ako." agad naman lumungkot ang mukha nya. Napangiti ako at ginulo ang buhok nya.
"Pwede bang mamayang tanghali ka na umalis? bakit kasi ang aga mong umalis."
"Dahil gusto kong makauwi ng tanghali."
"Fine." malungkot pa rin na sabi nya.
"Pasabi na lang kay Cathy na maaga akong nakaalis at hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Dalawin ko na lang kayo ulit sa susunod."
"Okay." ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na. Hindi na sya lumungkot pa ng mukha at tinanggap na aalis na ako.
"Ingat kayo." huling sabi ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Ame." nilingon ko sya at nagulat ako na hinalikan nya ako sa pisngi. "Mag-iingat ka sa byahe. Nag-enjoy talaga ako sa tatlong araw nating magkasama." napangiti naman ako at ginulo ang buhok nya. Napapikit pa sya habang nakangiti. Parang syang tuta.
"Ayoko man nung una pero nag-enjoy rin ako." nakangiting sabi ko.
"Pakipot ka pa kasi." tinaasan ko sya ng kilay at napailing na lang.
Pumasok na ako ng sasakyan at binaba ang salamin ng bintana. "Mauuna na ako."
"Okay. See you soon." tumango ako at pinaandar na ng tuluyan ang sasakyan paalis.
Tanghali na ako nakarating ng Manila. Nag-stop over naman ako para kumain kaya hindi ako ganong kagutom kaya didiresto ako sa pagpapahinga. Naglakad ako papasok ng bahay. Napakunot ang noo ko dahil sa ingay na naririnig ko sa loob ng bahay. Pamilyar rin ang mga boses sakin. Nagtungo ako sa ingay na nagmumula at bago pa ako makarating ng tuluyan ay napatigil ako na marinig ko ang boses ni Hiraya. Doon ko lang rin natanto kung kanino pa ang ibang boses. Ang pamilya ni Raquel ay nandito.
Sumilip ako sa kanila at tama nga ako na nandito ang buong pamilya ni Raquel kasama si Hiraya at sila Lala na nagkakatuwaan. Masayahin ang pamilya ni Raquel kaya normal na nagkakatuwaan sila pero hindi ko maiwasan na masaktan na makitang kasama ni Hiraya ang pamilya nya. Iniisip ko na ako at ang pamilya ko dapat ang kasama nya ngayon at hindi sila Raquel.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...