Chapter 4

11.9K 767 690
                                    



Hiraya's POV

"Okay lunch break!" sigaw ni coach Keira at lahat naman ng rookies ay napahiga at upo sa semento.

"Haaaa!!" sigaw ni Zed na nahiga na sa semento. Ako at si Siera na nakaupo habang yung limang seniors ay nakatayo pa pero hingal din sila.

"After two hours sa indoor court tayo. Magpalit kayo ng damit bago kayo bumalik." sabi ni coach Keira bago sya umalis.

"Paano ninyo nagawang makatayo pa rin sa lahat ng pinagawa ni coach?" tanong ni Tiffane sa mga seniors.

"Limang taon namin pinagdaanan ang mga 'to kaya sanay na kami." sabi ni Violet pero hinihingal pa rin.

"Akala ko pinapabayaan kayo ni coach Kristoff?" tanong ni Nyx na naupo na.

"Lahat ng captain ng Dragon Empire pahirap sa practice." sabi ni Chantal sabay tingin kay Ember.

"Kahit hindi si coach ang magtra-training sa inyo, ganito rin ang ipapagawa ko pero hindi lang ganito kadami." sabi ni Ember.

"Kaya nga yung mga miyembro ng Dragon Empire ay matagal mapagod dahil sa ganitong klaseng training. Sobrang na-boost yung stamina." sabi ni Dion. 

"Pangalawang araw pa lang naman ninyo kaya normal lang na hindi na kayo makatayo dyan pero habang tumatagal ay masasanay rin kayo." sabi ni Ember at nagtungo sa mga tubig namin. "Kapag kaya na ninyong tumayo, magpalit na kayo ng damit at kumain na." 

Sabay-sabay silang umalis na lima at naunang tumungo sa cafeteria pero kaming mga rookies ay nagpahinga na lang muna ng kalhating oras dahil napagod talaga kami. Ang dami naming ginawa ngayon. Hindi nga namin naranasan yung parusa kahapon pero ngayon ay ginawa namin at dinagdagan pa ng bilang.

"Maglalaro pa tayo mamaya 'di ba? feeling ko mapapagod agad yung binti ko." sabi ni Venus.

"Pwede bang dito na lang tayo kumain? nanghihina pa tuhod ko." sabi ni Unice.

"Tara na, nagugutom na rin ako." sabi ko sa kanila at tumayo. Medyo nanghihina tuhod ko dahil lahat ng exercise na ginawa namin ay kasama ang binti.

"Bakit ang dami mong energy?" tanong ni Siera nung tinulungan ko itong tumayo.

"Madami akong trabaho dati at wala pa akong pahinga non kundi lunch break lang." nakatayo na rin yung lahat. Kinuha ko ang bag na dinala ko. Madami akong dinalang towel at may tatlong pirasong damit pamalit tsaka mejas para komportable akong nagtra-training. Ako lang yung may dalang bag na nakatanggap pa ako ng pang-aasar dahil sa mga dala ko pero ito sila ngayon na wala ng magamit na towel dahil puro basa na ng pawis yung towel nila at babalik pa sila sa dorm para magpalit ng damit.

Nagtungo ako sa shower room malapit sa gym para magpalit ng damit. Pagkatapos kong makapagpalit ng damit ay tumungo na ako sa cafeteria. Kumakain na yung mga seniors nung madatnan ko at nakapagpalit na rin sila ng damit. Akala pa nga nila nauna akong tumayo samin pero sinabi ko lang na nasa dorm yung iba para magpalit ng damit.

"Ano inorder mo?" tumingin ako kay Venus na dumating. Sya pa lang ang dumating.

"May luto na silang bulalo at fried chicken. Iniinit lang yung bulalo kaya wala pa akong pagkain. Mamili ka na lang sa dalawa para habang nagpapahinga bumababa yung kinain mo. Mahirap maglaro ng busog." sabi ko.

"Okay, gusto mo pala ng saging? kuha kita." tumango ako sa kanya at umalis naman sya para pumunta sa counter.

Nakasunod naman ako ng tingin sa kanya. Hindi pa kami ganon nag-uusap ng matagal ni Venus pero parang syang si Chase na palangiti at madaling kausapin. Ang kaibihan lang sa kanilang dalawa, si Chase pagdating sa biruan tinatawanan nya lang ito habang si Venus ay minsan sinasabayan nya. Hindi rin magtatagal ay malakas na rin mang-asar si Venus lalo na kasama nya si Yael sa kwarto.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon