Chapter 21

17.7K 941 978
                                    


Hiraya's POV

Pagkabalik namin sa camp ay nagsimula na ang madugong training namin para sa Cup tournament. Naging seryoso kaming lahat para mas lalong mag-improve. Naging mahigpit din ako sa training lalo na kay Zed at Siera. Araw-araw ay nag-oone on one kaming tatlo para mas lalo silang gumaling. Kahit wala pa si Raquel sa Miracle ay dapat mas lalo silang mag-improve na kaya na nilang pigilan si Katsumi.

Halimaw si Katsumi sa loob ng court at kahit gaano pa ka-aggressive maglaro si Zed, hindi nya kakayanin si Katsumi sa level nya ngayon. Kung mabilis kumilos si Zed, mas mabilis si Katsumi. At kung gaano kabilis mag-decision si Siera, mas mabilis pa rin si Katsumi. Kaya naman todo training ko sa dalawa na talunin ako.

Ilang buwan na nakakalipas at dumating na ang buwan ng April. Nakapag-graduate na rin kami na may konting event na nangyari at laro laban sa mga seniors. Sinabi nila na ito ang kauna-unahan na natalo ang mga seniors sa mga rookies sa graduation ng training. Hindi ako sumali nung kinalaban nila ang mga seniors kaya naman nanalo sila na hindi ako kasali.

Pagkatapos ng graduation namin ay bumalik kaming lahat sa Manila para makasama ang pamilya. May isang linggo kami bago ang Cup tournament at kahit na hinayaan ko silang mag-enjoy muna kasama ang pamilya ay sinigurado ko na may training silang gagawin. At kahit hindi ko bantayan ay alam kong naghahanda pa rin sila sa laro.

"Inilabas na nila ang tournament bracket." napatingin ako kay coach Keira tapos sa nilapag nyang papel sa harapan ko. Nandito ako ngayon sa bahay ng Walker para makipagkwentuhan kay Lola Kriza.

Tinignan ko ang papel at nakaramdam naman ako ng pagkatamad para tignan ito sa dami ng mga team na sumali. Hinanap ko ang pangalan ng team namin at nakita kong nasa Bracket B kami.

"Nasa bracket B rin ang Shakers." tumingin ako kay coach Keira. "Hindi lang 'yon, nasa bracket A ang Meteorite at nasa bracket D ang Miracle. Kung mananalo tayo hanggang final, lahat sila ay makakalaban natin."

"Wow, ang ganda naman ng unang laro namin sa Cup tournament."

"Wag kang umastang hindi mo nagustuhan ang idea na makakalaban mo ang tatlong team." nilingon ko si Kalvin sa likuran namin. May ngiti sya sa labi.

"Alam mong pinagdadasal ko 'to." nakangiting sabi ko.

"Sino ang una ninyong makakalaban?" tumingin ako kay Lola Kriza tapos sa papel na hawak ko.

"Zebra Jacks." sagot ko.

"Maraming mag-iisip na kakabalik lang ng Dragon Empire, Zebra Jacks agad ang makakalaban." sabi ni Kalvin.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Nasa top four team ang Zebra Jacks, Hiraya. Ilang beses na rin nilang natalo ang Shakers noon. Masyado ka kasing focus sa tatlong team eh."

"Sila ang pinakamagaling eh." napailing naman sya sakin.

"Kaya iisipin ng mga tao na hindi na naman makakabawi ang Dragon Empire." napataas ang kilay ko sa kanya. "Chill, alam mo naman kung ano status ng Dragon Empire." natatawang sabi nya.

"Kaya babaguhin ko ang tingin nila sa Dragon Empire dahil masyado nila itong minamaliit." sabi ko.

"Sigurado ring maraming magugulat na kasali na ngayon ang Dragon Empire sa Summer Cup. Kakatingin ko lang sa social media, trending tayo. Kaso hindi lang dahil bumalik kayo, dahil na rin na Zebra Jacks ang una ninyong makakalaban." sabi nya habang nakatingin sa cellphone. "Ang daming nagsasabi na mabilis matatapos ang laro ninyo sa Summer Cup."

"Wag na lang ninyo pansinin ang mga sinasabi nila. Sigurado naman na may nagtitiwala pa rin sa Dragon Empire at naghihintay sa pagbabalik ng team kaya ayun na lang pagtuunan ninyo ng pansin." sabi ni coach Keira.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon