Hiraya's POV
Kasama ko ngayon si Ame papunta sa kalapit bayan para maghanap ng mauupahan nya. Nakakailang lugar na rin kami sa paghahanap ay wala kaming makitang bakante. Kaya naman nung hapon na ay napagdesisyon na ni Ame na yung villa na lang ang kukunin nya.
"Two weeks lang ba kayo sa America?" tanong ko habang kumakain kami ng merienda bago pumunta sa villa.
"Bakit?" kahit na magkarelasyon na kami ni Ame ay hindi pa rin nagbabago na tanong ang sagot nya sa tanong ko.
"Magbabakasyon pa kami ng isang linggo pagkatapos ng training camp." sagot ko na lang.
"May tatlong araw lang kaming bakasyon para mamili ng mga pasalubong at maglibot."
"Makakasama ka ba sakin kapag inaya kita?" tinignan nya ako na nagtatanong. "May magandang pag-campingan sa America na siguradong magugustuhan mo. Kahit one night lang tayo mag-camping."
"Nakarating ka na ng America?" napatigil naman ako na maalalang sa pangalawang buhay ko ay hindi pa ako nakakapunta ng America.
"Nakita ko lang sa internet." nakangiting sabi ko para hindi nya mapansin na nagsisinungaling ako.
"Gustuhin ko man mag-camping tayo, masyado ng marami ang dadalhin natin kung dadalhin natin ang mga gamit pang-camping. Mag-hiking na lang tayo."
"Hmm.." gusto ko pa naman mag-camping kami ni Ame sa pinag-campingan namin ni Kill noon pero magiging hassle nga kung dadalhin namin ang mga gamit pang-camping.
"Kung gusto mong mag-camping ulit, pagkauwi na lang natin dito." sabi nya at niligpit na ang mga kinain namin.
"Alright pero mag-hiking tayo." pwede na 'yon basta mapuntahan ko lang ulit ang burol na 'yon.
"Yeah, let's go?" kumawit ako sa braso nya at tumungo kami sa sasakyan nya.
Habang nasa byahe ay nakatingin ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang paligid. Sa tagal na ng lugar na 'to at halos lahat ng lugar sa pilipinas ay dumadami ang mga nakatayong bahay, ang bayan na ito ay hindi nagbago. May ilan lang nadagdag pero halatang napaka-probinsya pa rin ng lugar.
Ang sarap tumira sa ganitong lugar. Tatanungin ko si Ame kung pwede akong pumunta ng villa nya kapag gusto kong mag-unwind. Gusto kong malibot ulit ang lugar na 'to.
Pagkarating namin sa villa ay agad inasikaso ni Ame ang pagbili nito habang naglilibot naman ako sa buong villa. Ang ganda ng lugar. Sakto pang maganda ang view sa likod ng villa. Puro puno at bundok. Halos bangin na rin kasi ang likod ng villa. May sarili rin swimming pool ang villa na napakalaki na sa ngayon ay wala itong lamang tubig. Two storey ang bahay na may kalakihan.
Ang ganda rito.
"Like it?" tanong ni Ame na lumapit sakin.
"Sobra. Ang ganda rito. Parang gusto ko na lang dito umuwi." nakangiting sabi ko.
"Umuwi ka lang kung gusto mo. Ito ang duplicate key ng villa." namangha naman ako na binigay nya sakin ang duplicate key. "Maghi-hire rin ako ng mag-aalaga ng villa habang wala tayo. Kailangan i-maintain ang swimming pool."
"Mukhang sa susunod na natin magagamit ang swimming pool." gusto ko pa sanang maligo sa pool dahil kanina pa kami naglilibot ni Ame para maghanap ng mauupahan.
"Tara na, magche-check in pa tayo ng hotel." nagtatakang tinignan ko sya.
"Hindi tayo rito matutulog?" tanong ko sa kanya.
"May tinawagan na ako na maglilinis at mag-aayos ng villa. Bukas ng umaga ay nandito na sila." sagot nya. Malinis naman yung villa pero siguro ay may pagkamaselan itong si Ame. "Bibili rin tayo ng mga gamit bukas kaya hindi natin ito magagamit hanggang sa susunod na araw."
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...