Hiraya's POV
Nasa mall ako ngayon kasama si Iris na nakasalubong ko lang din habang naglalakad-lakad kaya naman magkasama kami ngayon sa pamimili ng mga dadalhin at kakailanganin ko sa pag-camping kasama si Ame.
Dalawang araw na rin simula nung matapos ang Summer Cup tournament. Hindi pa rin humuhupa ang usapan tungkol sa Dragon Empire na bigla na lang lumakas. Marami pa ring hindi makapaniwala na dating talunan na team ay umabot ng final game sa pagbalik nila.
Usap-usapan rin ako hindi lang dahil ako ang bagong captain at halos kalabanin si Ame ay naging topic ako dahil samin ni Ame. Ang daming nakapansin na iba ang turing ni Ame sakin kumpara sa mga kaibigan nya. Nagkakaroon na nga kami ng mga shipper dahil maraming nagsasabi na bagay kaming dalawa at syempre hindi rin nawawala ang mga haters na fans ni Ame na feeling sa kanila si Ame.
Mabuti na lang talaga ay hindi ako ganong kababad sa social media kaya hindi ko masyado pinapansin ang mga sinasabi ng ibang tao sakin. Baka asarin ko lang sila lalo kung gaano kami ka-close na ni Ame.
"Kapag nakauwi na kayo galing sa pag-visit ninyo sa Empire camp, maglaro tayo." sabi ni Iris habang namimili ako ng bag na gagamitin ko.
"Sure. Hindi na kita tatanggihan dyan." nilingon ko sya at nginitian. "Pero puro laro na lang ba ang gagawin natin?" tinignan nya ako na nagtatanong. "Ayaw mo man lang ba gumala tayo?"
"Ano ba 'tong ginagawa natin?" napailing ako sa kanya.
"Bagay talaga kayo ni Katsumi. Ewan ko na lang kung paano kayo nagkakaroon ng magandang usapan kung ganyan kayo makipag-usap."
"Nauuwi kami palagi sa away."
"Kaya hindi kayo nagkakatuluyan eh. Mabuti na lang talaga ay hindi pa kayo dahil hindi healthy na palagi kayong nag-aaway ni Katsumi. Parehas pang mataas ang pride ninyo."
"Binababaan ko ang pride ko. Sya lang itong hindi." ramdam ko ang inis sa boses ni Iris. "Napapaisip na nga ako minsan kung bakit ko nagustuhan ang taong 'yon." natawa ako. Pambihira ang dalawang 'to.
"May sumpa ang mga Martinez na magkagusto sa Walker eh." sabi ko at kinindatan sya para asarin pa lalo.
"Eh sa inyo ni Ame? hanggang ngayon usap-usapan pa rin kayo sa social media."
"Gusto namin ang isa't isa pero ayaw ni Ame na magkaroon kami ng relasyon hangga't hindi namin mahal ang isa't isa."
"Hindi ako makapaniwala na magkakagusto si Ame sayo."
"Iba ang charm ko eh." muli ko syang kinindatan na may kasamang pang-aakit. Natigilan sya saglit at umiwas ng tingin. Natawa ako dahil may pagkagusto pa rin sakin si Iris.
"Pero masyado ring sigurista si Ame na gusto nyang magkaroon muna ng love sa inyo bago kayo magkaroon ng relasyon."
"Ayaw nya daw matulad sa Lala Zoe nya na pinili ang taong gusto nya lang at hindi ang taong mahal nya."
"Bakit may minamahal na ba syang iba para sabihin nyang baka matulad sya?" nakakunot ang noong tanong nya.
"Baka hindi ako ang the one nya kaya ganon na lang sya." nakitbitbalikat na sagot ko.
"At hindi ka man lang nababahala dyan?" mas lalong naguguluhan nyang tanong.
"Hindi ko naman sya masisisi kung may mahal syang iba. Marunong naman akong magparaya at sumuko." sagot ko sa kanya.
"Masyado kang mabait." nginitian ko lang sya.
"Don't worry, hindi naman ako tatandang dalaga dahil sa ganda kong 'to." napa-poker face si Iris kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...