Hiraya's POV
"Are you not going to play?" nagitlang ako nung may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay si Iris lang pala.
"Jeez, magparamdam ka naman na nandyan ka." sabi ko pero sa totoo lang ay dapat naramdaman ko na sya non pero hindi. Sa ilang araw namin syang nakakasama dahil sumama samin ang Miracle at Shakers sa training ay nakilala ko sya ng kaonti. Tahimik lang sya at sa sobrang tahimik nya, hindi ko napapansin ang presensya nya. Mainit lang ang tingin nya sakin kaya napapansin ko sya.
"Hindi ka ba maglalaro?" tanong nya ulit. Tumingin ako sa loob ng court kung saan naglalaro ang Miracle at Dragon Empire. Dahil napasama na samin ang dalawang team sa training ay nakaka-practice game sila nila Siera.
"Nope." nakangiting nilingon ko ulit sya. "Bakit ikaw? hindi ka rin sumasali kapag may practice match." tanong ko.
Nakitbitbalikat ito. "Tutunganga ka lang ba habang naglalaro sila?" imbis na tanong nya. Magkasing tulad sila ni Ame pero si Iris ay nagagawang dumaldal pa ng konti. Hindi nakakapanis ng laway dahil sumasagot sya paminsan-minsan.
"Hindi naman ako nakatunganga lang. Pinag-aaralan ko rin sila." sagot ko. "Bakit? may masu-suggest ka bang gagawin bukod sa maglaro?"
"We can race."
"Race?" napaisip naman ako. "Okay." nakangiting sagot ko kaysa naman na wala nga akong gawin.
"Let's have a deal." tinignan ko sya na nagtatanong.
"Deal? anong deal?"
Mas lalo syang lumapit sakin. Medyo napayuko sya dahil mas matangkad sya sakin. Hanggang balikat nya lang ako. "Kapag nanalo ako, makikipaglaro ka sakin."
Napangisi ako. "So curious ka rin pala sakin."
"Who would not be? ang taong nagsabi na ibabalik nya ang pagkapanalo sa Dragon Empire at hinamon pa si Ame."
"Akala ko hindi ninyo sineseryoso ang sinabi ko."
"Yung iba oo dahil sa isang katulad mo ay hindi dapat sineseryoso."
"At ikaw?" napangiti ako sa conversation naming dalawa.
"I don't know either." nahalata ko sa mga mata nyang tinitignan nya ako ng maayos. "Ano bang meron sayo at nagawa mong kunin ang atensyon ko?" napahalikgik ako.
"That's my goal. Kaya nga hindi ako naglalaro para mas lalo kayo ma-curious." nakangiting sabi ko. Hindi na sya nagsalita pero nakatingin pa rin sakin. "At paano kapag nanalo ako? pag-iisipan ko pa kung ita-take ko yang deal mo dahil ayoko ngang ipakita sa inyo ang paglalaro ko."
"Anything you want."
"Hmm..." napaisip naman ako kung ita-take ko ba ang deal nya. Hindi ako sure kung mananalo ako sa kanya kung ano man ang klaseng karera ang gagawin namin. Medyo alanganin ako dahil ayoko ngang ipakita ang paglalaro ko lalo na sa kanya dahil isa sya sa gusto kong talunin.
"Scared?" nakangising sabi nya. Bahagya akong pahaligikgik.
"Kahit na asarin mo ako, hindi mo ako maaasar. Pero okay, papayag ako pero may condition ako. Wala tayong audience kapag naglaro tayo. Ikaw lang dapat ang makakaalam kung paano ako maglaro." sabi ko.
"Okay." mabilis na pagpapayag nya. "At kapag nanalo ka?"
"Wala pa akong maisip pero kapag kailangan ko na lang gamitin ang deal na 'yon ay sasabihan kita kung papayag ka na matagal pa bago ko magamit ang deal."
"No problem." ngumiti ako. "Sa labas tayo." sabi nya at naunang lumakad palabas ng gym. Agad naman akong sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
Любовные романыSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...