Hiraya's POV
"Hindi ka selosa, ano?" tumingin ako kay Siera pagkaupo namin nung makaalis sila Ame. "Parang linta na kung makadikit si Hannah kay Ame pero parang wala lang sayo."
"Ah...hindi ko naman dapat sya pagselosan dahil alam kong hindi sya papatulan ni Ame." nakangiting sagot ko.
"Well, nakakasakal nga ang ugali ni Hannah. Anong gusto mong drinks?"
"Ice coffee na lang. Thanks." umalis si Siera para umorder ng drinks namin.
Habang hinihintay si Siera ay kausap ko si Zed sa text. Binabalita nya sakin kung ano ang ginagawang panglalandi ni Hannah kay Ame. Halatang inaasar ako ni Zed sa text dahil pati reaction ni Ame ay sinasabi nya. Napapailing na lang ako sa kanya.
"Kayo na ba ni Ame?" agad na tanong ni Siera pagkabalik nya. "Ang fishy ninyo kanina."
"Huh?" sabi ko at natawa. "Gusto lang namin ang isa't isa."
"So kayo na?"
"Hindi ka man lang nagulat na may gusto sakin si Ame."
"Napapansin ko naman na nakukuha mo ang atensyon nya. Masyado kang maharot eh." napangiti ako.
"But nah...ayaw nyang makipagrelasyon hangga't hindi namin mahal ang isa't isa. Pero kahit naman na walang label saming dalawa, parang mag-girlfriend na kami."
"Mukha nga. Hindi rin ako makapaniwala na si Ame ang pumili ng susuotin mong dress at makaka-date mo pa. Sino ang nag-aya sa inyong dalawa?"
"Ako ang nag-ayang maging ka-date sya pero sya ang nag-insist na pumili ng dress ko."
"Label na lang talaga kulang sa inyo." nakangiting sabi nya.
"Ikaw? may ka-date ka ba? sigurado naman na imbitado ang pamilya nyo sa party nila Lala."
"Si Zed." napataas ang isang kilay ko. "Don't give me that look. Inaya nya ako." mataray na sabi nya.
"May something ba sa inyo ni Zed?" nang-aasar na ngiting tanong ko.
"What? wala." nakakunot ang noong sagot nya. "Wag mo nga kaming bigyan ng issue."
"Ngayon naiintindihan ninyo na ako." nakangising sabi ko.
"Hindi talaga ako makapaghintay na makita kang mainis o magselos. Masyado kang kalmado."
"Matanda ka na non bago mo makita ang gusto mong makita sakin." nakangiting sabi ko.
"Mabuti pa sila Yael nakita kang magalit."
"Bakit ba gusto mong makita na magalit ako?"
"Curious lang ako sa itsura mo. Lagi ka kasing nakangiti."
"Maganda pa rin ako kahit na galit ako." natawa ako nung nag-poker face sya.
"Eh magselos?"
"Hmm...hindi ako sigurado. Ngayon lang ako nagkagusto at hindi pa nakakaselos ang mga umaaligid kay Ame."
"Kahit sino wala kang pinagseselosan?" takang tanong nya.
"Siguro....si Ingrid?" mas lalo nya akong tinignan na nagtataka.
"May gusto si Ingrid kay Ame?" ako naman ang tumitig sa kanya na hindi nya nahalata na may gusto si Ingrid kay Ame.
"Hindi mo ba napapansin? kahit si Ame hindi napansin na may gusto sa kanya si Ingrid."
"Hindi. Kahit na minsan nakakasama ko silang dalawa sa mga photoshoot, parang magkaibigan lang kung titignan ang dalawa. Paano mo nasabi na may gusto si Ingrid kay Ame?"
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...