Hiraya's POV
Masaya akong tumutulong sa tatay ko na nagluluto ng ulam pantinda. Nagkwe-kwentuhan kasi kami kung paano niligawan ni Tatay si Nanay noon. Masaya lang kasing alamin kung paano naging sila ni Nanay na hindi naman nila madalas ikwento dahil na rin busy sa pagkakayod. Ako at ang pang-apat na anak nila Tatay ang kasama ni Tatay magluto ng ulam. Naghihiwa kami ng pangsahog ng kapatid ko habang si Tatay na bahala pagsama-samahin at lutoin.
"Naalala ko pa ngang hinabol ako ng itak ng tatay nya pagkatapos kong nakawan ng halik sa pisngi." nakangiting sabi ni Tatay. Laking probinsya sila Tatay kaya itak talaga ang panakot.
"Lakas makachansing 'tay." natatawang sabi ng kapatid kong si Hansel.
"Ganon talaga para mas lalong mainlove nanay mo sakin." nagtawanan na lang kaming tatlo. Lakas kasing makachansing si Tatay kay Nanay noon. Makulit na tao si Tatay na pinagmanahan ko at ilan kong kapatid kaya siguro nahulog din ang loob ni Nanay sa kanya.
Napatingin ako kay Tatay na bigla na lang nasamid at nakahawak sa dibdib. Nag-aalalang nilapitan ko sya pero bigla na lang syang natumba.
"'Tay!" isinalo ko sya at pinatay ang kalan tsaka idinala ko sya sa lamesa. "Okay lang kayo 'tay?" nag-aalalang tanong ko. "Hansel kumuha ka ng tubig." pag-uutos ko. Pinaypayan ko naman si Tatay baka dahil naiinitan. Taas baba rin ang katawan nya na parang humihinga ng malalim. Napapahaplos ako sa likod nya para pakalmahin sya.
"Ito Ate." inabot ko ang tubig at pinainom kay Tatay. "Okay lang kayo Tatay?" nag-aalalang tanong ni Hansel.
"O..okay lang ako. Sa pagod lang siguro 'to." sabi nya. Hawak-hawak nya naman ang dibdib nya.
"Sigurado po kayo na sa pagod lang? wala na po kayong ibang nararamdaman?" tanong ko.
"Oo, okay lang ako, anak." sabi nya pero nag-aalala pa rin ako. "Ikaw na munang magluto, anak. Magpapahinga na muna ako."
"Sige po. Hansel padala si Tatay sa kwarto nila." sabi ko.
"'Tay tara alalayan ko kayo sa kwarto ninyo." nanghihinang tumayo si Tatay.
Nag-aalalang nakatingin lang ako sa kanila na palabas ng kusina. Sana pagod lang talaga si Tatay at wala ng ibang nararamdaman. Dahil nagpahinga si Tatay ay ako na nag-asikaso ng mga dapat nyang gawin at hindi na munang pumasok sa ibang trabaho. Mas kailangan ako sa bahay kaya pinili ko na lang na wag munang pumasok kahit isang araw lang.
Pero ang inaakalang kong isang araw ay hindi nangyari dahil mas lumala ang kalagayan ni Tatay na naisugod pa namin sa hospital dahil nahihirapan ito sa paghinga. Nalaman naming may sakit na pala sa puso at sa baga si Tatay. Nanlumo ako sa nalaman ko. Bukod sa gagastusin pangpagamot sa kanya ay natatakot akong mawala sya.
Iyak at nag-aalala si Nanay kay Tatay na hindi na nagawa pang magtinda. Kaming magkakapatid na lang ang tumuloy sa pagtitinda dahil si Nanay ay inalagaan si Tatay. Lahat ng naipon namin ay napunta sa hospital at pangpagamot. Nailabas na si Tatay sa hospital pero gagastusin pa rin namin ang gamot nya sa pang-araw araw. Sobrang mahal ng gamot nya na kailangan namin kumayod lalo.
Napatigil sa pag-aaral ang pangalawa at pangatlo kong kapatid para tumulong sakin. Si Nanay na nagluto ng ulam habang ako at si Hansel ang nagtitinda sa palengke. Itinigil ko na rin ang iba kong trabaho at nagfocus na lang sa tindahan namin. Mas lalong hindi naging sapat ang kinikita namin dahil ito na lang at trabaho ng dalawa kong kapatid ang pinagkukuhaan namin ng pera.
Nagbabalak na rin yung iba kong kapatid na tumigil sa pag-aaral at tumulong samin pero pinagbawalan ko sila. Sobrang bata pa nila para magtrabaho kaya naman namin ito ng dalawa kong kapatid pero mahirap pa rin.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...