Chapter 8

11.6K 726 566
                                    



Hiraya's POV

Napahikab ako habang naglalakad. Napagod ako sa training namin kahapon kaya hindi ko nagawang gumising kanina para mag-jogging, ni-hindi rin ako nakapag-evening jog sa pagod tapos inaantok pa ako ngayon. Last day na rin ng training namin ngayon kaya magtitiis na lang muna ako.

May tatlong araw pa kami dito at pagkatapos nitong training, sa natitirang araw ay ieenjoy na lang daw namin ang bakasyon kahit halos nagawa na namin lahat sa kada rest day namin. Siguro mamimili na lang kami ng mga pasalubong at magbabad pa sa dagat o pool para masulit talaga dahil alam na namin na pagbalik sa camp ay pahihirapan ulit kami at hindi na naman kami makakapag-enjoy sa rest day.

Kasama pa rin namin ang Shakers at Miracle dahil sa kagustuhan ng dalawang coach nila kaya nakasunod kaming lahat sa kanilang tatlo kung saan man nila kami dadalhin. Katulad ko ay may mga nabitin ng tulog at pagod ang itsura. Sobra-sobra kasi ang training na ginawa namin kahapon kaya ganito na lang kami kapagod.

"We're here!" sigaw ni coach Sylee. Tumingin naman kami sa mahabang hagdanan.

"Don't tell me aakyatin natin yan?" tanong ni Venus sa tabi ko.

"Ito na ang last day ng training ninyo at hahayaan na namin kayong sulitin ang bakasyon. Kailangan lang ninyong akyatin ito at kapag nasa itaas na kayo ay baba naman kayo." sabi ni coach Keira.

"What? hindi kaya kami magpagulong-gulong nyan?" rinig kong tanong ni Mika.

"Uso mag-ingat sa pagbaba, Mika. Hindi naman ninyo kailangan magmadali dahil wala naman oras para matapos ang training ninyo na 'to." sabi ni coach Bryce ang coach ng Shakers.

"May parusa lang na matatanggap sa mga hindi nakatapos. Magtra-training kayo hanggang umuwi tayo sa Manila. Meaning, wala kayong bakasyon sa natitirang araw." sabi ni coach Keira.

"At para malaman namin kung nakarating nga kayo sa itaas ay may tauhan kaming naghihintay doon at bibigyan nila kayo ng tubig. Bawat plastic bottle may pangalan ninyo kaya malalaman namin kung nakarating nga kayo sa itaas. Hindi ninyo magagawang mandaya samin kahit hindi namin kayo bantayan." sabi ni coach Sylee. Napaisip naman ako kung may mandadaya pa para gawin nila ang ganon. Siguro sa dalawang team dahil hindi ko maisip ang mga kasamahan ko na mandaya.

"Katulad ng sinabi ni Bryce, walang oras ang training ngayon. Bagalan ninyo o bilisan man ninyo ay walang kaso samin, ang mahalaga ay matapos ninyo ang training. At kung mapapaaga ang tapos ninyo ay pwede na kayong magpahinga at mag-aliw aliw." dagdag ni coach Keira.

"Kaya pwede na kayong magsimula. Mag-ingat lang kayo lalo sa pagbaba ah?" paalala ni coach Bryce at sabay-sabay naman kaming lumakad paakyat ng hagdanan. May ilan na nag-jog paakyat at may ilan na katulad ko na hindi nagmadali sa pag-akyat dahil wala pa sa wisyo.

"Mabuti naman madali na yung huling training natin. Grabe yung nangyari kahapon eh." sabi ni Nyx.

"Bagsak nga ako kagabi pagkatapos kong maligo. Hindi ko na nagawa pang patuyuin ang buhok ko sa sobrang pagod." sabi ni Tiffane.

"Ako nga muntik ng makatulog sa banyo." sabi ni Milli.

"Wala ka kay Chase, nakatulog sa bath tab." natatawang sabi ni Zed.

"Ang sarap ng mainit ng tubig eh." nahihiyang sabi ni Chase. Napangiti naman kami.

"Si Siera nga nakatulog kakahintay sakin matapos maligo. Akala ko wala ng balak maligo eh." pagbubuking ko.

"Siraulo ka rin eh, hindi mo man lang ako ginising pagkatapos mong maligo. Kung hindi mo lang nabasag yung baso hindi pa ako magigising." sabi ni Siera kaya natawa ako. Ang sama ng tingin nya sakin.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon