Amethyst's POV
"Ayokong magmukhang tanga sa harap nya." sabi ko kay Tori na nangungulit sakin na maging partner nya sa party na gaganapin bukas.
"Hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon." tinignan ko sya na nagtatanong kung paano nya gagawin iyon. "Nagseselos kaya si Hiraya sakin."
"Si Hiraya? nagseselos sayo? iisipin nya lang na version two ka lang ni Arya."
"Hindi mo kasi nakikita dahil hindi mo sya tinitignan. Masyado nya tayong pinagmamasdan kahapon."
"Nagtataka lang sya na naging close agad tayong dalawa."
"Nagseselos talaga sya." bumuntong hininga ako.
"Nagseselos man o hindi, hindi pa rin ako pupunta. Ayokong makitang nagmamalaki si Raquel dahil kasama nya si Hiraya."
"Please?" umiwas ako ng tingin nung magsimula na syang magmakaawa. Sabi ko na nga ba ay gagamitan nya ako ng ka-cute-an nya.
"Tori, wag mo akong simulan."
"Ame, sige na. Ako lang walang date oh.
"Hindi ko iyon problema."
"Hahayaan mo lang ba akong mahiya na wala akong kapartner?" mas lalong nagmamakaawa ang boses nya.
"Mukha ka namang bata kaya─"
"Ame, please?" napapikit ako dahil sobra-sobra na syang nagmamakaawa at nagpapa-cute pa sya. "Please?"
"Ugh! Fine!" pagsusuko ko. Sobrang laki naman ng ngiti nya. Inirapan ko sya at binato ng unan ko.
"Bakit mahilig ka sa cute, Ame? hindi halata sayo."
"Hindi ko lang kayang tiisin kapag nagpapa-cute sakin si Arya."
"Sweet mo naman. Mabuti pala naging kaibigan kita." inirapan ko sya. Tinake advantage nya pa ang kahinaan ko.
Kinabukasan ng gabi ay sinundo ko si Tori sa bahay ng Walker. Ang pamilya na lang ni Tori ang naiwan sa bahay dahil hinihintay nila akong dumating. Bigla akong nahiya dahil medyo nalate ako sa usapan namin ni Tori. Hindi ko naman aakalain na hihintayin pa rin nila si Tori kahit nasa bahay naman sila ng Walker.
"Bakit hindi mo naman sinabi na hihintayin ka ng pamilya mo? nalate ako ng sampung minuto." sabi ko sa kanya nung nasa loob na kami ng sasakyan ko. Kaming dalawa lang ang nasa sasakyan ko habang ang pamilya nila ay nasa isang van ng Walker.
"Hindi mo pa ba napapansin? hindi nila ako hahayaan na mapag-isang maghintay."
"Ilang taon ka na ba at ayaw ka pa rin pabayaan ng pamilya mo?"
"Twenty two. Bunso ako kaya maingat pa rin sila sakin."
"Spoiled na spoiled ka talaga."
"Hindi mo ba papansinin ang suot ko?" nilingon ko naman sya saglit at ibinalik ang tingin sa daan. Nakasunod lang ako sa van.
"Hindi ka ba lalamigin sa suot mo?" black fitted gown ang suot nya na v-neck na ang sobrang laki na umabot sa puson nya kaya bahagyang litaw ang dibdib nya at backless pa talaga. "At hindi ka ba napagsabihan sa suot mo kung nag-iingat ang pamilya mo sayo? masyadong sexy ang suot mo. Nag-aalala lang din ako."
"Aww, sweet. No worries. Nadumihan ang dress ko na dapat na susuotin ko at ito lang ang extra na meron. No choice na rin kami."
"Kaya naman pala. Nabigla ako na makitang nagsuot ka ng ganyan."
"Bagay pa rin naman sakin hindi ba?"
Nilingon ko sya saglit. "Oo naman. Nakakagulat lang. Hindi ka na kasi cute tignan, beautiful lady ka na kung titignan." ngumiti ako ng bahagya sa kanya.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...