Hiraya's POV
"Bakit ngayon ka lang?" habang kinakausap si Ate Amy ay tumingin ako sa likuran para tignan ang kinausap ni Ame.
Dumating na pala si Tita Aria. Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at nakitang alas nueve na ng gabi at ngayon lang dumating si Tita Aria. Nandito na ang isang anak na lalaki nila Lala at ang pamilya nya. Nauna naman dumating ang Papa at mga kapatid ni Ame na wala pang isang oras simula nung mabalita ang ginawa ni Raquel. Tanging si Tito Rajel lang sa pamilya ni Raquel ang bumisita kanila Lala.
"May inasikaso lang ako." nakangiting sabi ni Tita Aria.
"At mas mahalaga pa 'yan kaysa sa kalagayan ni Lala?" nakakunot ang noong tanong ni Ame.
Nilapitan ni Tita Aria si Ame at tinapik ang balikat nito. "Chill ka lang." hindi rin nagtagal si Tita Aria para kausapin si Ame at tumungo sa kwarto ni Lala.
"Come on, bunso. Alam mo naman na busy si Mama nitong mga nakaraang araw pa." sabi ni Ate Amy. "Wag mong ituon ang inis at galit mo kay Raquel kay Mama."
Bumuntong hininga si Ame pero kita pa rin sa mukha nya ang pagkaseryoso.
"Baby, come here." pag-aaya ko. Tumingin sya sakin at lumapit samin. Hinawakan ko ang kamay nya. "Huminahon ka muna, okay? Kakausapin naman ni Tita Aria si Tito Rajel sa ginawa ni Raquel."
"Uminom ka muna at kumalma ka." sabi ni Ate Amy at inaabutan sya ng tubig pero tinignan lang iyon ni Ame. "Akala ko okay ka na? nakikita kong naiinom mo na ang binibigay ni Hiraya."
"Kay Hiraya lang." sabi ni Ame at kinuha ang inumin ko para doon uminom ng tubig.
Tumingin sakin si Ate Amy. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Sweet pero pamilya mo kami baka lang nakakalimutan mo."
"Pamilya ko rin ang nagpainom sakin na may drugs." siniko ko naman si Ame.
"Baby, ate mo sya." pananaway ko sa kanya. Inirapan lang ako ni Ame. Ang sama talaga ng loob nya ngayon. Kahit anong pagpapakalmang gawin ko ay bumabalik ang foul mood nya.
"Matutulog na ako." pagpapaalam ni Ame sakin.
"Sige, susunod ako sayo later." nakangiting sabi ko. Hinalikan ko sya sa pisngi bago sya tumayo at tumungo sa kwarto nya rito.
Since wala rin si Raquel dito ay dito na nyang napiling matulog kami dahil nag-aalala rin sya kay Lala. Nandito rin ang buong pamilya nya kaya hindi rin sya makakaalis kung gugustuhin nya man.
"Sarap sapakin minsan ni Ame." naiiling iling na sabi ni Ate Amy. "Pero mabuti na lang ay may masasandalan sya ngayon." ngumiti sya sakin. Ngumiti naman ako.
"Siguro katulad ko lang din si Ame na hindi inaasahan na tratraydorin kami ni Raquel kahit pa may history na sa pamilya ninyo na inagawan ni Raquel."
"Yeah, may pagka-soft si Ame pagdating sa pamilya. Parang si Lala Dite lang naman sya na gustong panataliing strong ang bond ng pamilya." parehas naman kaming nangiti dahil family-oriented si Ame.
Ito talaga ang gusto ko sa pamilya ni Zoe. Lagi nilang sinusupportahan ang isa't isa at marunong magpatawad sa kabila ng mga kasalanan na ginawa sa kanila. At kahit hindi nila kadugo ay tinuturing nilang pamilya pa rin.
"Nakausap ko si Raquel." napatingin kami ni Ate Amy kay Tita Aria.
"Ang bilis mo naman kamustahin si Lala." sabi ni Ate Amy.
"Tulog na silang dalawa kaya hindi ko na inistorbo." naupo si Tita Aria at inilapag ang alak na dala nya sa lamesa.
"Ano ba kasi ang ginawa mo at late ka ng dumating?" tanong ni Ate Amy.
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
Roman d'amourSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...