Hiraya's POV
Sa sobrang concentrate ko sa laban namin ni Ame, hindi ko namalayan kung ano ang nangyari sa kanila Siera. Nagagawa nilang makapuntos at wala rin nakakapigil sa kanila. Malapit na rin namin mahabol ang score ng Miracle dahil panay na kami score. Last quarter na rin kaya minamadali na rin namin ang pagpuntos para makahabol.
Limang minuto bago matapos ang laro biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi ako makapaniwala na mula kanina ay hindi pa rin nagseseryoso si Ame. Malapit na namin mahabol ang score ng Miracle pero hindi na ito hinayaan pa ni Ame.
Mas nakakatakot ngayon ang aura nya na hindi na namin sya nagawa pang labanan. Miski ang mga kakampi nya ay hindi na nagawa pang tulungan sya. Kayang kaya nyang lumaban na mag-isa lang dahil mas mabilis sya ngayon. Kahit na pagpasa-pasahan namin ang bola, mabilis syang nakakalapit samin. Kapag binilisan naman namin ang pagtira ng bola ay hindi ito pumapasok sa ring kaya kahit anong gawin namin ay hindi na kami makakapuntos pa.
Pagod na pagod na ako kakahabol kay Ame para pigilan sya. Ngayon lang ako napagod ng ganito sa isang laro lang. Halso maubos ang lakas ko sa laban namin ngayon. Gusto kong matuwa dahil naramdaman ko ulit ang ganitong pagod sa laro at kapag ganito ay nae-excite ako na maglaro pa lalo pero ngayon ay hindi na ako natutuwa.
Masyado akong naging bilib sa sarili ko dahil sa mabilis na pag-improve ko kaya inaakala ko na kaya ko si Ame sa unang laro namin pero nagkamali ako. Tama nga talaga ang mga sinasabi nila sakin na kahit anong pag-aaral ko kay Ame, mahihirapan ako sa kanya sa oras na magkaharap kami.
Kung isa akong extraordinary player, mas extraordinary player si Ame. Kakaiba ang galing nya. Hindi na ako sigurado kung lumalaban na ba si Ame sa buong galing nya dahil sa tuwing inaakala ko na seryoso na sya ay hindi pa sya nagseseryoso. Kapag nagagawa na naming mahabol ang score nila ay agad din nyang binabawi. Hindi nya talaga hahayaan na matalo sila.
Hinabol ko si Ame at kinokorner sya sa gilid pero bigla na lang ako nadulas kaya naman napaupo ako sa sahig. Sa pagod na rin ay tinuluyan ko na sa paghiga. Tumingin ako sa gilid at bahagyang nanlaki ang mga mata dahil sa harapan pa mismo ako ng mga special guest namin ako nadulas.
"Buhay ka pa?" rinig kong pang-aasar ni Kasper.
"Okay ka lang, Hiraya?" nag-aalalang tanong naman ng Mama nya.
Hindi ako nakasagot nung mapadapo ang tingin ko kay Tita Aria. Naka-cross legs sya habang nakahalumbaba sa tuhod nya. Nakangiti pa sya sakin. Sa tingin na pinupukol nya sakin ay mas lalo nyang pinapahiwatig na tama sya, na hindi ko matatalo si Ame ngayon.
"Awake your true power, Hiraya." sabi nya. Nagkatitigan kami na tila binabasa namin ang isa't isa.
"Hiraya, kailan mo balak tumayo dyan?" tumingin ako kay Zed at itinayo ako. Pinatitigan ko si Zed. Ang seryoso ng mukha nya at ang talim ng tingin nya.
Napakunot ang noo ko. "Kailan ka pa naging dragon?" takang tanong ko.
"Anong sinasabi mo? pumunta na tayo sa bench natin." sabi nya at naunang umalis.
"Hindi mo napansin? hindi lang sya ang naging dragon, lahat ng mga ka-team mo." napatingin ako kay Lala Kennie.
"Ikaw lang ang hindi." sabi ni Lala Dite. Katulad ng anak nya, titig na titig sakin si Lala Dite. Parang sinusuri nya ang kaluluwa ko.
"Good for them." nakangiting sabi ko. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nagawa nilang makakilos kay Katsumi at hindi naman nakakilos sila Heidi sa kanila.
"I told you, Hiraya. Don't settle for less." sabi ni Tita Aria. Humalukipkip sya ng braso at sumandal sa inuupuan nya. "Hinding hindi mo matatalo si Ame sa level mo ngayon."
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...