Hiraya's POV
Mahigit isang buwan na nagdaan simula nung mamatay si Lola Kriza ay bahagyang bumalik sa dati ang lahat. Namimiss lang namin minsan si Lola Kriza pero bumabalik na rin kahit papaano ang sigla ng mga tao lalo na sa pamilyang Walker.
Natapos rin namin ang pagbisita sa Empire camp na medyo tumagal sa usual na process dahil nagtraining pa kami sa kanila. Umayos na ang pakikitungo sakin ng mga bawat miyembro ng Empire camp dahil sa nakita nilang laban nung final game ng Summer Cup. Dahil din don ay tinulungan nila kami sa bawat training namin.
Hindi na naipalabas pa nila Siera ang dragon nila kahit anong pang-iinsulto o galit na gawin sa kanila ay hindi na nila nagawa pa. Nagtatanong naman sila Percy kung totoo ba talagang napalabas nila Siera ang dragon dahil nakakagulat din na lahat sila ay nagawang palabasin tapos ngayon ay hindi na nila mapalabas pa. Gusto kong paniwalaan na napalabas nga nila Siera noon ang dragon pero baka guni-guni lang din namin nila Katsumi iyon dahil sa galit nila.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pahinga kaya naman nasa bahay lang namin ako ngayon. Wala rin akong plano ngayon araw at gusto kong ipahinga muna ang utak ko sa dami nangyari nitong nakaraang buwan. Hindi naman na sumakit ang ulo ko nitong nakaraan pero nakikita ko pa rin ang mga memories ni Lala Avey kapag may ginawa ako ng isang bagay na nagpapaalala sa kanya.
At isipin si Lala Avey ay naalala ko na hindi ko pa rin natitignan ang flashdrive na binigay ni Lola Kriza sakin kaya naman agad kong binuksan ang laptop ko at kinuha ang box na binigay sakin. Agad kong sinaksak ang flashdrive at binuksan ang folder.
Inaasahan ko na isang file lang ang laman ng flashdrive pero hindi ko naisip na marami pala itong naka-save na video. May isang video si Lola Kriza na naka-save at the rest ng naka-save sa folder ay puro video ni Lala Avey at Lola Zap. Maraming pinakitang video nila Lola Zap, Lala Avey at Lala Kill noon sakin sila Tito Kristoff nung nag-aaral pa lang ako ng basketball pero ang mga naka-save sa folder ay hindi ko pa nakikita noon.
Hindi lahat ng video ay puro laro. Ang iba ay parang mga katuwaang video lang nila noon. Halos lahat ng video ay nasa camp at mailan-ilan na nasa ibang lugar. Nagtataka naman ako kay Lola Kriza para ibigay sakin ang file na 'to.
Una kong pinanood ang video ni Lola Kriza. Napangiti ako na makita ulit sya.
"Hiraya. Hello."
"Hi." kusang sagot ko nung batiin nya ako sa video.
"Siguro ay patay na ako ngayong pinapanood mo na itong video." napangiti ako ng pilit at bahagyang tumango. "Namimiss mo na ba ako?" nakangiting tanong nya.
"Sobra po." para lang kaming nag-uusap na buhay sya.
"Siguro ay nagtataka ka rin kung bakit may pa-special akong video sayo. Ikaw lang binigay ko ng ganito." napangiti naman ako. "Itinuring na kitang apo ko, Hiraya. Napaka-sweet mong tao at masayang kausap. Lagi kong naaalala sayo si Mommy Avey dahil isa sa bonding naming dalawa ay ang magkwentuhan."
Napatigil naman ako na naaalala nya sakin si Lala Avey. Hindi ko alam pero parang may makukuha akong impormasyon sa sasabihin ni Lola Kriza tungkol sa nakikita kong memories ni Lala Avey.
"Kilala mo naman sya hindi ba? She's the Queen of the basketball na matagal nyang pinaghawakan dahil ang tagal bago syang matalo. Ang captain at coach ng Dragon Empire noon at naging coach ng Miracle. Maaga syang pumasok ng Dragon Empire camp at mabilis nya rin ipinakita sa lahat kung gaano sya kagaling. Sya ang pumapangalawa noon sa henerasyon nila dahil nangunguna noon si Tita Kiwi."
BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 4
RomanceSi Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid. Isang araw ay inaya syang magtraining sa Dragon Empire camp dahil sa potential...