Chapter 14

10.5K 739 511
                                    



Hiraya's POV

"Handa ka na ba?" tanong ni Ember habang nasa tapat kami ng pintuan kung saan nasa loob ang ibang team captain at vice captain ng Empire team. Nasa Wyvern Empire camp kami ngayon pero bago namin ma-meet ang rookies ay magme-meeting muna ang lahat.

Pagkatapos kong tumango kay Ember ay binuksan nya na ang pintuan. Napatingin naman agad samin ang mga taong nasa loob. May halong pagtataka ang itsura nila ngayon na nakatingin sakin. Napansin ko na magagandang nilalang silang lahat at iba sa kanila ay mahahalata mong may pagkastrikto.

"Nakalimutan kong sabihin na grand entrance na naman ang Dragon Empire dahil huli kayong dumating pero mas curious ako sa kasama mo. Napalitan na ba si Aki?" tanong ng isa sa kanila.

Tumingin muna sakin si Ember bago sagutin ang tanong. "Oo at hindi." mas lalo sila nagtaka.

"What do you mean?" tanong ng isa pa.

"Napalitan si Aki pero hindi sya ang pumalit biglang vice captain. Ako. Sya na ang bagong captain ng Dragon Empire." sagot ni Ember na ikagulat nila.

"Huh? hindi na ikaw ang captain?"

"Bakit naman?"

"Paanong nangyari 'yon? tsaka bagong mukha sya, dumaan ba sya ng training bago maging captain?" sabay-sabay na tanong at reaction nila. Halatang mga hindi makapaniwala na pinalitan ko si Ember. Paano pakaya ang buong basketball community nito?

"Trainee pa lang sya ngayon." hindi pa tapos mag-explain si Ember ay kanya-kanya na naman sila ng reaction.

"Bakit hindi muna natin patapusin si Ember bago kayo mag-react?" nakangiting pagpipigil ko sa kanila.

Napatigil naman sila pero may pagdududa pa rin sila. Yung iba sa kanila ay halatang na-curious pa sakin dahil sa pagsasalita ko.

"Katulad ng sinabi ko, trainee pa lang sya at wala naman sigurong problema na hindi pwedeng maging captain ang isang trainee lalo na hindi naman kami naglalaro ngayon sa Cup. Bakit naging captain sya? she deserve it. Malalaman ninyo rin kung bakit sa oras na magsimula na ang Empire tournament."

"Pero nandyan ka pa ah?"

Napakamot ng batok si Ember. "Mas magaling sya mag-handle ng team kaysa sakin at aalis na ako after ng Winter Cup next year. Hindi lang ako, pati na rin yung apat na natira. Ibinigay ko na agad ang position sa kanya para walang maging problema kapag umalis na kaming lima."

"What? aalis na kayo?" tila nalungkot na sabi ng isa. May ilan rin na nalungkot at nagulat sa kanila.

"Si Dion at Violet ay gustong mag-travel around the world habang kami naman nila Aki at Chantal ay sasali na ng PBA." sagot ni Ember. Nabahiran ko naman ang lungkot sa boses nya.

"Nasayang ang dalawang taon na dapat naglalaro kayo sa Cup."

"Bakit kasi hinayaan mong umalis ang ganon kadami eh." may inis na sabi ng isa.

Walang sinagot si Ember at dahil nakatalikod sya sakin ay hindi ko kita ang itsura nya ngayon.

"Hayaan na ninyo na, nangyari na ang nangyari at desisyon nyang ibigay sa trainee nila ang position bilang captain." sabi ng isa na tumayo. Tumingin sya sakin. Iba ang tingin nya na tila hinahamon ako. Mukhang hindi nya nagustuhan na ako ang bagong captain.

"Si Hiraya pala." pagpapakilala sakin ni Ember.

"Hi." nakangiting bati ko. "Alam kong hindi ninyo nagustuhan na pinalitan ko si Ember dahil kahit ako ay nagulat nung binigay nya ang position nya sakin pero alam naman ninyo na hindi basta-basta binibigay ang position ng captain ng walang dahilan."

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon