Chapter 1

782 17 3
                                    


It was Priam, I've known him since senior high school dahil magkaklase rin kami noon, and now, he's my classmate again this semester.

Matalino siya, laging pinakamataas sa exam, at active din sa school orgs kaya nakakapagtaka na wala pa siyang partner. Anyway, hindi ko na problema 'yon.

Naglakad na ako palapit kay Fina para malaman kung ano ang gagawin para sa activity.

"Anong pinapagawa?" Agad kong tanong pagkalapit.

"Ah, pinapasagutan 'yong inupload na activity sa canvas tapos ipipresent sa susunod na meeting. Hati nalang tayo, hindi naman gano'n ka complicated." Tumango at kinalikot na ang phone ko para makita ang activity.

"Marian, wala pa raw partner si Priam!" One of our classmates said agad namang tumayo si Marian.

"Si Mico?" she asked.

"Absent eh. Ako sana, kaso may partner na rin ako."

Ang ingay but I tried to just focus myself on the phone.

"Swerte naman ni Marian, nakapartner ulit 'yong crush niya." daldal ni Fina sa tabi ko habang nakikipag-usap sa isa pa naming kaklase.

Hindi ko na sila pinansin dahil hindi naman ako interesado sa pinag-uusapan nila. Pumupunta ako ng school para mag-aral at hindi makitsismis.

Pagkatapos ng klase ay agad na akong lumabas ng school. Dumaan ako sa Lerma para kumain at pagkatapos ay nagpasa akong tawagan si Sharo para tanungin kong nasaan siya dahil kailangan ko ng kunin ang sweldo ko sa kanya.

Si Sharo ang una kong naging kakilala no'ng lumipat kami ng Maynila dahil kapitbahay namin siya doon sa dati naming tinitirahan. Mas matanda siya ng tatlong taon sa akin at tapos na siyang mag-aral. Nagtatrabaho siya sa isang bar sa BGC at lagi niya akong iniimbitahan na magtrabaho bilang busser. The work isn't ideal for me dahil madaling araw ang uwi ko't may pasok pa kinaumagahan, but I need money at malaki ang pasahod nila, kailangan ko ng pera dahil malapit na ang tour namin at susubukan kong sumama doon, kung sakaling makakaipon ng sapat na pera. Shin's father already shouldered my tuition fee at ayaw ko rin namang pati sa gano'ng bagay ay manghihingi pa ako. Kailangan ko ring magtrabaho para buhayin ang sarili ko.

Pumayag ako sa alok niya dahil kaya ko naman ang trabaho dulot na may experience na ako sa pagiging busser, responsable naman ako sa trabaho, at magagawan ko naman ng paraan kahit na madaling araw talaga ang out ko. Makakapagpahinga rin naman ako at titigil din naman agad ako sa trabaho kapag makaipon na ng sapat na pera. Maliban kasi sa papasukan ko ay mayroon din akong ibang trabaho, ang pagiging online tutor.

I started working ten days ago and I was about to get my first pay last night pero hindi ko nahanap si Sharo and you already knew what happened next.

"Nasaan ka?" Bungad ko no'ng sinagot niya ang tawag.

"Ay, nasa work ako. Medyo busy, huwag kang mag-alala, magkikita naman tayo mamaya."

I sighed. "Alright."

"Sige girl, babye, see you later!" She ended the call immediately.

I know Sharo's work but I won't judge her. It's her life, after all. And she's a good person to me and Shin.

Speaking of Shin, I need to visit that guy. Baka kung sino na naman kasing tao na walang maidudulot na mabuti ang umaaligid sa kanya.

At tama nga ako, may umaaligid nga sa kanyang bata. Not a literal child, but she acts like a child. I don't easily judge pero pagdating kay Shin ay iba ang usapan. It's because I know his condition and some people may not be good for him. Lalo na 'yong mga isip batang halatang nanggugulo lang. At ano ba 'tong si Shin, parang hinahayaan nalang na lapit na lapit sa kanya 'yong batang 'yon.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon