Chapter 18

456 15 2
                                    


trigger warning: abuse, sexual assault

Natulala ako dahil sa sinabi niya. There were little worms moving inside my body and I felt my cheek heating. Ang lakas lakas din ng tibok ng puso ko.

What was that?

"I'll take you home," aniya at ngumiti.

Tumango nalang ako at sumunod.

What I did is prohibited, that's why I am thankful that other students didn't see us coming down, dahil kung nagkataon na nakita nila kami ay baka madamay pa si Priam sa violation ko.

I was still breathless and out of my mind no'ng makalabas kami ng gate. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin at no'ng mapansin ko 'yon ay agad akong bumitaw.

"May pupuntahan pa ako. Mauna ka na." Mahina kong saad saka sinubukang humakbang paatras.

Pero sumunod siya.

"Ihahatid na kita," aniya.

Gusto ko pang tumanggi pero hinawakan na niyang muli ang kamay ko.

"Saan tayo?" he asked while smiling.

Wala sa sarili kong sinabi sa kanya ang direksyon ang nagsimula na kaming maglakad.

Tahimik lang siya at paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko lalo na kapag may mga dumadaan na sasakyan sa tabi namin.

May isa tanong naman ang bumagabag sa isip ko kung kaya't nagdesisyon akong itanong 'yon sa kanya.

"Bakit wala ka sa klase kanina?"

Medyo gulat siyang lumingon sa akin.

"I...was there. Na-late lang."

Tumango ako at narealize na tatlong oras nga pala ang klase naming 'yon...but then...

"Did you finish the exam?" nag-aalala kong tanong. "Pinuntahan mo pa ako...diba. Natapos mo ba?"

He squeezed my hand at hinarap ako sa kanya.

"It's not important whether I finish it or not...ang importante naabutan kita...at buhay ka."

Umiling ako. Baka dahil sa akin ay bumagsak siya.

"No, don't blame yourself, Nisha. It's my choice. And I'm thankful na ginawa ko 'yon, dahil kung hindi, alam kong habang buhay kong dadalhin ang sakit na hindi ko nasagip ang babaeng mahalaga sa akin."

Hinila ako palapit dahil may dumaang tao sa likod ko kung kaya't mas napalapit kami sa isa't isa.

"So please...don't blame yourself. It's just ten items, while saving you is a billion times better than that."

I just stared at him dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Everything feels surreal.

Nanahimik nalang ako hanggang makarating kami sa apartment ni Shin.

"Dito nalang." Nilingon ko siya at nahuli kong nakatitig nanaman siya sa akin.

Tumango siya ngunit nagulat ako no'ng inilahad niya sa akin ang phone niya.

"Can I get your number?"

My eyes widened. It wasn't new to me but the way he asked it felt different, pakiramdam ko ay may kung anong kinalikot siya tiyan ko.

I cleared my throat and silently typed my number.

"Here."

He smiled and pressed something at agad ko namang narinig na nagvibrate ang phone ko.

"That's my number."

Kahit hindi ko alam kung bakit nga ba niya hiningi ang number ko ay tumango nalang ako.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon