Chapter 2

551 16 1
                                    


Wala akong pakialam kung Alas man ang pangalan niya.

"Oh, anong nangyari? Akala ko hindi kayo magkakilala pero mukhang magkakilala naman pala kayo." manghang tanong ni Ed.

Umiling ako. "Hindi ko siya kilala." Feeling close lang.

"Weh? Eh mukha ngang bet ka non."

I raised a brow. Bet? Bet makasex? 'Yon ba?

"Ayan na, lumalapit na..." hindi ko na pinansin si Ed, kunyare nalang ay hindi ko naririnig, total malakas naman talaga ang music.

"Ay kaso may kinausap na iba...nakalimutan ko playboy nga pala..." I rolled my eyes because of what I heard. That wasn't surprising at all. The first time I saw him ay halatang-halata na agad. Mula sa pananalita hanggang sa kilos, lahat, lahat sinisigaw ang pagiging playboy at flirt niya.

"Mahangin pa," I said when I remembered what happen earlier, 'yong mukha niyang confident na gusto ko siyang makilala. As if naman.

"Gwapo kasi. Alam mo 'yon, ang lakas ng dating." pagpapatuloy ni Ed na muntik ko ng ikasuka.

Malakas ang dating? Sabagay, hangin eh.

"Naging ex 'yan ng anak ng may-ari nitong bar, parang last year yata naging sila tapos isang buwan lang break na agad...at model 'yong sumunod niyang naging jowa kaso ilang buwan lang, break din agad."

Gusto kong itanong kung saan 'yong pakialam ko kaso nagtatrabaho ako, hindi ito oras para iapply ang kamalditahan ko.

"Pero usap-usapan ng mga babaeng nakafling niya, mabait din naman raw, at magaling sa alam mo na..." I rolled my eyes when I heard that.

I accidentally glanced at his direction and saw that what Ed said was true, may kausap siyang babae ngayon, nakatalikod kung kaya't hindi ko nakita ang mukha.

I looked away when he caught me looking. Pustahan tayo, magfefeeling 'yan, iisipin niya na bet ko siya.

At ilang segundo lang nga ang lumipas ay nakarating na ulit siya sa counter.

"You still won't talk to me?" he asked as if we're close.

Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy nalang ang pagpupunas doon sa natapong inumin.

"You're really not friendly, I guess." he chuckled, nakatingin pa rin sa akin.

Alam naman pala niya, so bakit pa niya ako kinakausap? Bigyan ko kaya 'to ng bente? Baka sakaling lumayo at maghanap ng ibang makakausap, 'yong kayang sakyan pagfiflirt niya.

"My break is almost over, I need to go upstairs again."

I continued ignoring him. Nagpakawala naman siya ng mahinang tawa.

"Mabait naman ako, smooth talker, gwapo rin naman...pero bakit hindi mo ako kinakausap? Hmm, sabihan mo lang ako kung gusto mo ng romantic type." He leaned closer at huli na para makaatras ako dahil ninakawan na niya ako ng halik sa pisngi.

I glared at him but he just flashed his usual annoying smirk.

"See you later," aniya bago tumalikod.

What a jerk...

Inis kong binagsak 'yong baso sa counter, mabuti nalang at hindi nabasag.

Ang hangin talaga ng gagong 'yon!

At bakit ba niya ako ginugulo pa? Gusto niya pang umulit? Aba, ano siya? Sinuswerte?

"Jack Daniel's nalang."

Agad napagawi ang tingin ko sa kabilang banda nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. It was noisy pero ewan ko...kilala ko lang siguro talaga ang boses niya.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon