Chapter 7

378 12 4
                                    


Pinilit kong ituon nalang ang pansin ko sa pagtuturo. Half day lang naman kami kung kaya't konting oras na lamang ay ididismiss na kami.

"Ate, babalik po ba ulit kayo sa susunod?" Angela asked.

Ngumiti ako at tumango. Babalik naman talaga kami pero pagkatapos pa ng tour, 'yon ay kung makakasama nga ako.

"Ate kaya ko na po icolor 'yan, hintayin niyo po." Nakangiting sabi niya at kinuha sa akin ang pangkulay.

"Sige nga, kulayan mo, maghihintay ako."

Pinagmasdan ko siya habang ginagawa 'yon. Napangiti ako ng bahagya no'ng mapansin na tutok na tutok siya sa ginagawa. Maayos din naman kahit na hindi pantay-pantay ang kulay, dahil may mga bahaging siguro'y nakalimutang niyang padaanan ng pangkulay.

"Tapos na po."

Tumango ako. "Ang galing naman," komento ko at nakaisip naman ako ng magandang ideya.

"Ibibigay ko 'tong coloring book at krayola sayo, at kapag kinulayan mo 'yong mga drawing dito, ibibili ulit kita ng ice cream tapos dadalhan din kita ng chocolate."

Tumango naman siya at tila tuwang-tuwa dahil sa sinabi ko.

"Talaga po? Maghihintay ako ate ah!"

I smiled a bit and gave her a pat on the head.

Naaalala ko ang sarili ko sa kanya, at hindi ko maiwasang mamiss ang batang ako. No'ng mga panahong ang problema ko palang ay kung paano makakapaglaro sa labas nang hindi napapagalitan ni mama.

I sighed and stood. Napangiwi naman ako no'ng maramdaman ang sakit ng paa ko.

Naku, mukhang kailangan ko pa yata itong ipahinga.

Masakit man ay sinikap ko pa rin na lumapit sa mga kasection ko no'ng tinawag kami ng adviser namin para sa attendance. Gano'n kasi 'yong patakaran, mag-aattendance bago magsimula at pagkatapos.

Kumaway naman si Angela sa akin bago ako umalis.

Pagkatapos mag-attendance ay dinismiss na kami. Sasakay ng van 'yong ibang mga kaklase ko dahil napagkasunduan pala nila 'yon. Ako naman ay walang alam tungkol doon kung kaya't kailangan ko pang lumabas ng kanto at sumakay ng tricycle hanggang sa malapit sa highway, para doon sumakay ng van, jeep, o bus.

Paika-ika man, alam kong makakarating din ako doon. 'Yon nga lang ay matatagalan, pero okay lang naman. Kakayanin ko rin.

Tahimik ako naglakad papuntang kanto, buti na lamang ay may nakaparada na agad na tricycle pagkarating ko. 'Yon nga lang, medyo mahal ang singin kung mag-isa lang ako.

Tumingin-tingin ako sa paligid at napabuntong-hinga nalang dahil mukhang nakauwi na nga ang ibang mga kasabayan ko. Mukhang mapapalaban pa talaga ang pera ko, sayang din.

Pero bahala na, basta makauwi na.

Sumakay na ako at paalis na sana kami no'ng may tumawag kay manong.

"Manong, sandali!"

Pamilyar ang boses na 'yon kung kaya't napatingin din ako sa labas.

"Hijo, saan ka?"

Nanlaki ang mata ko. Si Priam? Akala ko sumabay na siya sa van.

He smiled when he saw me at pumasok na rin sa loob. Dahil malapit kami sa isa't isa ay hindi ko maiwasang mapansin na ang bago naman ng pabango niya. Hindi gano'n katapang pero sakto lang. 'Yon ang mga gusto kong pabango pero sigurado naman ako na mamahalin 'yon. Siya pa ba?

"Kumusta paa mo?" he suddenly asked and his gaze fixated on my foot.

"Ah, hindi naman gano'n kasakit."

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon