Chapter 20

706 30 6
                                    


I stared at her from a distance, kapapasok lang niya sa room at tila hinihingal pa.

Cute.

"Kararating lang ni Nisha, wala pa yatang partner." Pagpaparinig ng isang barkada ko.

I know...at kanina ko pa rin siya hinihintay.

Agad akong tumayo at kahit na medyo kabado ay sinubukan kong lumapit sa kanya...dahil gaya nga ng sabi nila, wala pa siyang partner...at ako rin naman...wala pa.

I asked her, pero kagaya nalang ng palaging nangyayari...naunahan nanaman ako.

"Ayos lang 'yan, pare. Better luck next time." natatawang sabi ni Jerik at tinapik ako sa balikat pagkabalik ko sa upuan.

It was always like that. Kung hindi ako naduduwag na lapitan siya ay nauunahan naman. Ang hirap niyang lapitan...ang hirap abutin.

"Huwag kang mag-alala, may good news ako." ani ng isa kong kaibigan, na si Jonas.

It might be just another worthless gossip pero dahil curious ako ay pinili kong makinig.

"Alam ko na kung nasaan siya nagpapart time job!"

Umiling ako at tatalikod na sana dahil kahit na gusto ko siya ay ayaw kong manghimasok sa pribadong bahagi ng buhay niya. I was taught to respect boundaries, at wala 'yong exception kahit pa sa babaeng mahalaga sa akin...si Nisha.

"Let's not bother her," sagot ko at nagpasya nalang na maghanap ng kapares para sa activity.

"Sus...kaya ka laging nauunahan eh...usad pagong." Pagtawa nila na hinayaan ko nalang.

I never confessed to them that I like Nisha, pero siguro nga simula't sapul pa lang ay masyado na akong halata...ngunit sila lang naman yata ang nakakahalata.

"Priam! Si Marian wala pang partner!" May sumigaw sa kabilang dulo at napangiti naman ako dahil may kapares na.

Matagal ko ng kilala si Marian, junior high school palang ay iisang school na kami ng pinapasukan. Alam kong mabait siya, matalino, maganda, at gaya nga ng lagi nilang sinasabi ay halos nasa kanya na ang lahat. Lagi nilang sinasabi na may crush siya sa akin pero parang ayaw ko ring maniwala minsan...siguro ay dahil ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na magkakagusto kami sa isa't isa.

She's a good friend...a good person...but I couldn't see her as more than just a friend. Dahil iisang tao lang...wala ng iba.

It's her from the very beginning...because it's her who taught me how to like someone patiently and selflessly.

Napalingon ako sa gawi niya no'ng maalala ang araw na dumating siya sa buhay ko...ang araw na palagay ko'y hinding-hindi ko makakalimutan hanggang nabubuhay ako.

It was the 16th day of November 2016, when our adviser announced that there would be a transferee in our class.

I wasn't interested dahil ang mga bagay lang naman na nakakakuha ng atensyon ko noon ay games at acads...but that changed when I saw a woman, probably of my age, may itim na medyo wavy na buhok, may katangkaran, medyo may kapayatan na nakatayo sa unahan ng classroom namin. She's wearing faded maong pants and a simple white blouse, but of course...what really captured my attention was her stoic face.

I was curious at first sight...and I couldn't keep my eyes off of her since that day.

"Pre, ang ganda ng transferee nuh? Crush ni Kyle." Mico said sabay tingin sa transferee na nasa kabilang row nakaupo.

"Gagi, crush sana kaso masyadong tahimik...hindi nagsasalita." sagot ni Kyle.

Napakunot naman ako ng noo. Bakit naman nila crush?

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon