I was again saved by the roll call that night, at halos buong gabi nanaman akong hindi nakatulog sa kakaisip ng mga sinabi niya.I've never liked someone romantically and I haven't received that kind of affection either. Kung kaya't bago sa akin ang lahat.
Pero isa lang ang natitiyak ko...I'm not the right person for him. Hindi kami bagay.
At ayaw ko rin nito...ayaw ko sa mga pinapakita niya. Ayaw kong mas nagugulo ang isip ko. Ayaw ko.
That's why I decided to avoid him. Ayaw ko ng magkaroon ng interaksyon sa kanya.
We were back to Manila the next day. Takipsilim na nang makarating kami at panay ang tawanan ng mga kaklase ko habang kinocompare ang kulay ng balat nila sa isa't isa. Some were bothered dahil nagkaroon ng tan lines, 'yong iba naman ay gustong-gusto 'yon. Ako naman ay natural ng morena kung kaya't mukhang wala namang nagbago.
"Priam!"
Agad akong lumayo no'ng marinig ang pangalan niya dahil desidido na talaga ako...na ayaw ko na siyang lapitan pa.
"Nagmamadali ka ba?" I furrowed my brows nong mapansin ang paghabol sa akin ni Marian.
Tumango ako.
"Dinner daw sana, kasama ang buong grupo." Iminuwestra niya 'yong facilitator namin kasama ang ibang kaklase.
I looked at them, I was torn for a while pero nang makita siyang nakatingin din sa akin ay agad akong umiling.
"Hindi na, Marian. Hinihintay na ako ng pinsan ko eh, siya ang kasama kong magdinner."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya, tumalikod na ako at hinila palayo ang maleta ko.
Pagod akong sumalampak sa kama pagkauwi ko ng apartment. Masakit ang katawan ko at medyo nahihilo dahil sa antok. I planned to sleep pero halos dalawang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako nakakatulog. I tossed and turned and all, pero wala pa rin.
I sighed.
My mind's too occupied, dahil sa tuwing pipikit ako ay naaalala ko siya, ang tour, ang mga salitang binitiwan niya, at kung gaano ako kalito't apektado tuwing malapit siya sa akin.
I act and feel strange whenever he's around and it's frightening to think that I feel the same way as him. Naiisip ko palang ay kinikilabutan na ako.
Mariin akong umiling at nagdesisyong tumayo. Hindi ako makatulog at ayaw kong sayangin nalang ang oras ko kakatunganga sa kisame. I need distraction. I need something that can help me forget the chaos inside my mind.
I wore a black fitted dress and decided to go to the bar. Dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng alak. Kailangan kong maaliw para makalimot.
Inilapag ko sa counter ang paperbag na dala ko. Gulat na napatingin si Ed sa akin.
"Whoa! Nakabalik ka na pala! Pasalubong ko ba 'yan?"
Tumango ako. "Sa inyong dalawa ni Sharo, may pangalan naman."
Tuwang-tuwa naman siya nang makita ang nasa loob ng paperbag na para sa kanya.
"Salamat, Nisha."
I ordered what I wanted to drink at nakailang baso ako non. Yumuko ako at ngumiti no'ng marealize na lasing na nga ako. Pero nakakainis...dahil hindi pa rin siya mawala sa isip ko.
Bakit ba? Ang hirap na. I badly want to get rid of my thoughts pero kung gaano ko kagusto na itulak sila palayo, ay parang gano'n din nila kagusto na manatili sa isip ko. And it's so fucking hard.
"What happened?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na 'yon. Kahit na medyo hindi na steady ang paningin ko ay malinaw ko pa rin naman siyang nakita.
BINABASA MO ANG
Bizarre Connection
RomanceUniversity Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne decided to not give up and instead grew tough because of a person dear to her. "Strong, independent, responsible, gorgeous, smart, hardwork...