Chapter 11

368 14 3
                                    


Nakatulala lang ako habang tinitingnan siyang nakayakap sakin. Yeah, he collapsed after saying those words and I was just on time to catch him from falling.

I sighed and shook my head. About what he said, I refuse to give any meaning to that. Ayaw kong isipin dahil hindi posible. Hypothetical lang 'yon.

Hindi ako ang tipo niya. Hindi ako katulad ni Marian. In fact, I'm nowhere near her in any aspect. I'm like a trash compared to her. A trash that's striving to be recycled.

His phone rang at kahit mahirap ay kinuha ko 'yon mula sa bulsa niya at sinagot. It was Kyle who's calling.

"Hello, pre asan ka? Nagising nalang ako putcha wala kana sa tabi ko. Hindi mo naman siguro naisipang umuwi ng Maynila dahil nandito si—."

"Kyle."

"Oh, shit. Sino ka?"

I sighed. Wala na akong choice. Ayaw kong malaman nila na magkasama kami pero mukhang wala na akong ibang magagawa.

"Si Nisha 'to..." I told him where we are at mabuti nalang ay hindi na siya nagtanong pa.

Pagbukas ng pinto ay agad siyang lumapit.

"Anong nangyari?"

Ayaw kong mag-explain pero kailangan ko pa ring sagutin ang tanong niya.

"I saw him outside, lasing at nakatulog na. I approached him and then I heard na may paparating kaya hinila ko siya rito. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Tumango siya sa akin. "Salamat, Nisha. Pasensya na. Hindi ko rin alam kung bakit naglasing siya, eh hindi naman niya gawain 'to."

Halos hindi ako nakatulog buong gabi. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya...at siya. Bumalik pa ang tanong sa akin ni Alas.

But, no way! There's no way in hell that someone like him would be attracted to someone like me.

Biyahe namin papuntang El Nido kinabukasan. Mabuti na lang ay hindi kami iisang sasakyan and I also didn't see him the whole morning, pati si Kyle ay hindi ko rin nakita. Pero mas mabuti na 'yon, dahil kung makita ko siya ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Tanghali na no'ng makarating kami ng El Nido at diretso kain ang ginawa namin. Excited silang lahat samantalang ako ay mukhang nalalantang gulay dahil kulang sa tulog.

"Nasaan ba sila Kyle? Hindi ko nakikita." Fina asked.

"Bakit? Miss mo na crush mo?" They teased.

"Yak! Kadiri! Hindi ah, nagtataka lang ako."

They kept teasing Fina after that. Nauna akong matapos kumain at dahil may break naman kami ay minabuti kong maglakad muna sa may dalampasigan.

Mataas na ang sikat ng araw, masakit sa balat kung hindi ka sanay, pero mukhang gustong-gusto siya ng morena kong balat.

Umihip ang malakas na hangin at hinayaan kong tangayin nito ang buhok ko. Kung pwede lang sana na pati ang mga iniisip ko ay matangay na rin niya palayo, kasi hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong isipin.

Hinati kami sa dalawang grupo no'ng hapon. Magkakasama ang grupo namin nila Marian na pumunta sa mga lagoon, habang ang ibang grupo naman ay ibang itinerary rin ang pinuntahan.

I didn't see Priam the whole day at nabalitaan ko nalang kay Fina no'ng pagsapit ng gabi na nakabalik na sila. Dahil sa pagod ay nakatulog na rin ako ng maaga and in exchange ay maaga ring gumising kinabukasan.

I went out of our room para makapaglakad-lakad sa dalampasigan but that was a wrong move dahil nakita ko siya roon, nakatingin sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. Agad akong nagtago bago pa niya makita dahil ayaw ko...ayaw ko siyang harapin o kahit makasalubong man lang ang titig.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon