Chapter 3

529 15 2
                                    


I rested my hand on my chin habang nakikinig sa propesor na nagsasalita sa harap. Inaantok pa ako pero mabuti na lang ay medyo sanay na ako kung kaya't nagawa ko pa ring pumasok sa 7:30 am class namin. Importanteng araw kasi ngayon dahil ipipresent namin ang ginawang activity noong nakaraan.

Pagkatapos magbigay ng instructions ng prof ay agad na nagsimulang magset-up 'yong unang pair na magpipresent, pang-apat kami ni Fina kung kaya't naghanda na rin kami.

No'ng turn na namin ay agad kaming pumunta sa harap at nagsimula. Hindi na bago sa akin ang magsalita sa harap kung kaya't sa tingin ko ay nagawa at nasabi ko naman ang mga kailangang impormasyon, at magaling din naman si Fina kaya pagkatapos ay pumalakpak naman ang propesor.

Isa sa mga pinakahuling nagpresent si Marian at Priam. Dahil likas naman na magaling sila at laging kasama sa dean's list ay impress na impress ang propesor sa presentation nila. May ilan pang mahirap na katanungang ibinato sa kanila pero agad din naman nilang nasagot.

"Very good! I am really impressed with this class." nagagalak na wika ni Professor Lim.

Nagpasalamat at tuwang-tuwa ang klase, kahit din naman ako ay natutuwa. Mabuti ng maganda ang impresyon ng prof sa section namin, kapag gano'n kasi ay mas malaki ang tsansa na mataas ang grade na ibibigay sa klase namin.

"Oo nga, Ma'am. Ang galing nila, tapos bagay din." kantyaw ng mga kaibigan ni Marian na agad niyang sinaway dahil nahiya yata.

"Ano ba kayo...tigil nga..." aniya pero mas lalo lang silang tinukso.

"Bagay kayo, oh. Parehong matalino, parehong maganda't gwapo, parehong famous."

Kahit si Fina na katabi ko ay nakisali na rin at tingin ko naman ay pati si Ma'am natutuwa sa naririnig at nakikita.

Nakayuko lang si Priam habang kinukuha ang usb sa laptop, tila iniiwasan na gatungan ang panunukso nila. Napatingin ako sa kanilang dalawa at napagtantong tama nga sila.

Parehong matalino. Maganda at gwapo. Sikat. Mayaman. Ano pa ba?

Pareho ring mabait at maayos makitungo, parehong leader material. They're so much alike and I agree na bagay nga sila.

"Bakit kaya hindi nalang magkatuluyan anb dalawang 'yan?" bulong ni Fina sa akin na hindi ko na pinansin.

Ano namang sasabihin ko? Ano namang alam ko sa pagkagusto at lovelife?

Pagkatapos ng klase ay dumaan muna ako sa locker para kunin ang WRP uniform ko, mayroon kasi akong schedule na captain's ball pagkatapos ng klase. Sa CR ako nagbihis at medyo natagalan dahil ang daming tao, patakbo tuloy akong pumunta ng quad. Istrikto kasi sa WRP at mahirap ma-late lalo na kapag natuon sa striktong facilitator katulad nalang ng naka-assign sa amin ngayon. Wala na rin kasi akong choice, 'yon nalang ang natitirang schedule no'ng namili ako.

Pinag-stretching at warm-up agad kami pagkarating ko at hinati sa anim na team. Halo ang babae at lalaki, pero gusto ng facilitator na maging patas ang bilang ng lalaki at babae sa bawat team.

"Dito sa team number 3, kulang ng isang lalaki." anunsyo ng facilitator, kulang kasi sa team namin ng isang lalaki.

Akmang uupo na sana ako sa lapag upang itali ng maayos ang sintas ko nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"Ako nalang po."

Huh? Si Priam? Kasabay ko pala siyang mag-WRP ngayon? Hindi ko siya nakita kanina o baka sa sobrang abala ko ay hindi ko lang napansin.

"Hi," nakangiti niyang bati no'ng makitang nasa team ako. Tumango naman ako.

Napansin ko naman ang pagkatulala ng dalawang babae sa grupo namin habang nakatingin sa kanya at kung hindi pa niya binati ay hindi pa nakapagsalita.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon