Chapter 12

380 19 3
                                    


Hindi ko na mawari kung ilang minuto kaming nakatitig sa isa't isa, walang nagsasalita, at tanging ang hangin, ang paghampas ng mga alon, at ang mga nagtatawanan sa kabilang dulo ang naririnig. Pakiramdam ko ay halos lalabas na ang puso ko sa dibdib dahil sa lakas ng tibok nito, dulot ng kanyang presensya at ng huli niyang sinabi.

Napabalik lang ako sa reyalidad no'ng mapansin ang pagbuntong-hininga niya, na tila may gustong idagdag ngunit hindi niya magawa.

He's just making me feel more confused and lost.

"You.." nanginginig ang boses ko. "You don't like me, I...I know, right?"

Ngumiti siya, ngunit hindi ko mawari kung masaya nga ba ang ngiting 'yon dahil may kakaiba. It's like a smile of happiness that's mixed with sadness. Mahirap basahin at habang tinititigan ko siya ay mas lalo lang gumugulo ang lahat sa isip ko.

"I like you, Nisha." he said while looking at my eyes.

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig.

He...likes me? Is this a fucking prank?

"No! You don't fucking like me!" Agad kong tanggi at mariing umiling.

Paano ba dumating sa ganito ang lahat? Paanong nangyari na pati ang sarili ko ay hindi ko na maintindihan?

At bakit ako apektadong-apektado sa mga nangyayari?

He stared at me and his chinky eyes glistened.

"I always mean every word that I say," he answered.

Umiling ako. "No, you can't be serious."

Dahil sa tuwing naiisip ko na gusto niya ako ay parang gusto kong tumawa. Kasi, bakit naman? Anong magugustuhan niya sa akin? I know I'm pretty pero marami namang maganda at mas maganda pa sa akin. Hindi rin ako kasing-talino niya, hindi mayaman, hindi nanggaling sa maayos na pamilya, hindi marunong makisama, hindi mabait, hindi...lahat.

Kaya, bakit?

All those men who professed attraction and love for me were only after one thing...sex. Hindi seryoso. No strings attached.

But this. Alam kong hindi siya katulad ng mga lalaking 'yon. Pero kung hindi 'to joke o pantitrip, ano 'to?

Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok na nagulo dahil sa ihip ng hangin. Umiwas siya ng tingin at mariing kinagat ang labi.

We stared at each other again, habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang kung anong hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. His stares were so intense, pakiramdam ko ay nanghihina ako. And it's so confusing. Dahil gustong-gusto ko na siyang layuan, gustong-gusto ko ng umalis sa harapan niya, pero...

"Nish—." he was about to speak when we heard Kyle's shout sa 'di kalayuan.

"Rollcall," he shouted at parehas kaming natauhan.

But it was like a blessing for me dahil sa wakas ay nakahanap na ako ng dahilan para umalis.

And so...I immediately walked away...from him.

I couldn't sleep that night dahil sa tuwing pipikit ako ay naaalala ko lang ang lahat. The things he said to me, his stares and actions, and the weird emotions I am feeling. It's all new to me and it's so hard to ponder. Umupo ako sa kama at inabot ang suklay ko.

When I was young, kapag hindi ako makatulog ay sinusuklayan ako ni mama at kinakantahan, pagkatapos no'n ay makakatulog na ako.

I miss her so bad, siguro kung buhay pa siya, edi sana...

I shook my head and continued combing my hair. Gusto ko ng matulog at magpahinga dahil pagod na ako sa lahat.

But still...I couldn't sleep.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon