I wanted to be alone and I'm thankful that they granted me that.Pagod akong sumandal sa dingding habang iniisip ang mga nangyari. I'm scared and worried that after all the years we've spent running ay bumalik nanaman kami sa dati. Ayaw ko ng mangyari 'yon, ayaw na ayaw ko na, dahil pagod na pagod na ako.
Pero anong gagawin ko? Ngayong nandito nanaman siya.
Gusto ko siyang isumbong sa pulis! Gustong-gusto ko! Pero alam kong malulusutan nanaman niya 'yon ulit, katulad ng dati.
I was awake the whole night and when the sun rose from the horizon ay agad kong pinuntahan si Shin dahil nag-aalala ako. I tried to act normal, I hid my bruises using a long-sleeve turtleneck top and pants. Kinapalan ko rin ang blush on ko para hindi niya mapansin ang namumula kong pisngi dahil sa sampal.
Habang naglalakad ako ay palingon-lingon ako sa paligid at hindi ko rin maiwasan ang panginginig ng binti ko kung kaya't mabagal ang lakad ko.
I feel anxious, pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang mga tao sa paligid at binabantayan ang kilos ko. Tumigil ako at huminga ng malalim, sinubukang pakalmahin muna ang sarili bago magpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating ako sa tapat ng unit niya ay huminga muna ako ng malalim bago 'yon binuksan. Hindi ko naman inaasahan ang sasalubong sa akin.
It was a mess, the sala was a huge mess.
Anong nangyari? Bigla akong kinabahan at nabitawan ko ang mga dalang paperbag.
"Shin!"
I panicked at agad na binuksan ang kwarto niya pero wala naman siya doon. Halos hindi na ako makahinga dahil sa mga posibilidad na nasa isip ko.
Did he find him? Sinaktan niya rin ba si Shin? Dahil kung oo ay mukhang makakapatay na ako ng demonyo.
I searched every corner of his apartment and I sighed when I saw him inside the CR lying on the floor.
"Shin! Shin!" I shouted and shook his shoulders.
Ano bang nangyari sa kanya? Bakit siya nasa CR at walang malay?
I checked his pulse and I sighed in relief no'ng maramdaman din 'yon.
"Shin! Gising!" Mahina kong tinapik ang pisngi pero wala pa rin.
Fuck, what's happening?
Bigla naman sumagi sa isip ko ang isang posibilidad and I think I was right with that.
He's drunk. At nakumpirma ko rin 'yon no'ng makita ang ilang can ng beer na nakakalat sa sala.
Nanghihina akong lumuhod sa paanan ng kama niya no'ng mailipat ko na siya roon. I couldn't prevent myself from crying so hard anymore.
Everything is a mess...my feelings, si Shin, and then my devil father is back.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, gulong-gulo na ako at pagod na pagod. But then...there's Shin. I still have one reason left to fight.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.
He's my only family left and I still feel responsible for everything that happened to him in the past, so I'll protect him no matter what.
Kung mayroon mang isang tao sa mundo na alam kong hindi ako huhusgahan at maiintindihan ako ng buong-buong, alam ko siya 'yon. Dahil halos pareho kami ng pinagdaanan sa kamay ng iisang tao.
But then...what I should do now is distance myself to him again. Because that's one of the ways I could protect him.
The reason why I am living separately from him is to protect him dahil alam ko na anytime ay pwede akong balikan ng demonyo kong ama at kapag kasama ko si Shin, alam kong siya nanaman ang sasaktan niya. But I never told Shin about that, because I don't want to make him worry anymore, he already been through a lot at ayaw ko ng makita pa siyang nahihirapan dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Bizarre Connection
RomanceUniversity Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne decided to not give up and instead grew tough because of a person dear to her. "Strong, independent, responsible, gorgeous, smart, hardwork...