Chapter 5

430 13 2
                                    


"Is it okay kung nasa 300 words lang 'yong explanation sa last question?" he asked. Nasa library kami ngayon para gawin 'yong task. We decided to do it immediately dahil pareho kaming busy sa mga susunod na araw.

Pasado alas sais na at halos kami nalang ang taong natitira sa loob, nagsasara na kasi ang library bago sumapit ang alas otso ng gabi. Pero okay lang naman, may oras pa naman, alam kong makakaya naming tapusin agad ang gawain.

"Okay lang naman," sagot ko at ibinalik muli ang pansin sa pag highlight ng important terms sa binabasa kong article.

Umupo siya sa tabi ko at nagbasa na rin ng nakita niyang article. Saglit ko siyang pinagmasdan and I realize na seryosong-seryoso siya sa ginagawa, taliwas ng mukha niya tuwing kasama ang mga kaibigan niya, laging maaliwalas at magaan tingnan.

Napatingin siya sa orasan na nasa wall malapit sa amin kung kaya't napatingin din ako roon. Mag-aalas syete na pala ng gabi pero patapos naman na din kami.

"I'll just go get something, please wait here for me." aniya at tumayo para umalis.

I furrowed my brows. Anong kukunin niya? Anyway, I suddenly got curious kung tapos na ba niya 'yong part niya kung kaya't sinilip ko iyong desk kung saan siya nakaupo kanina.

I sighed. Tapos na pala siya eh, so ako nalang ang hindi tapos?

Napadiin naman ako sa sikmura nang maramdaman ang pagtunog nito. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako nakapaglunch dahil may inattendan akong group meeting kaninang tanghali at pagkatapos ng afternoon class ay dumiretso agad ako dito sa library para gumawa ng FA kasama si Priam. Bawal kasi ang pagkain sa loob ng library.

Napabuga ako ng hangin at nagpasya na ipagpatuloy nalang ang ginagawa para matapos na't makauwi na ako.

Priam returned after few minutes at hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang hindi siya mapakali at tila may gustong sabihin sa akin. Naghihintay lang naman akong may sabihin pero wala rin naman, kaya siguro nga mali ako ng obserbasyon.

"Tapos na ako," deklara ko at inabot na sa kanya 'yong flashdrive. "Ichat mo nalang ako kapag may clarifications ka."

Nagligpit na ako ng gamit.

"Sige, salamat." Ngumiti siya at nagligpit na rin ng gamit.

Sabay na kaming lumabas pero lumiko siya sa may holding area. Naisip ko naman na baka iniwan niya pala tubig niya roon o 'di kaya ay ang pagkain niya.

Pababa na sana ako sa hagdan nang hinarangan niya ako.

"Nisha!"

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Nagkamot siya ng ulo at tila nag-aalinlangang itinaas ang paper bag na hawak niya. Ilang segundo akong napatitig doon bago nagsink-in sa akin na take-out pala 'yon galing sa isang fastfood na nasa harap ng school.

Pero bakit? Ibibigay niya ba sa akin?

"Ano...I just..." he looked away.

Bigla naman akong may narealize. Kaya ba siya lumabas kanina? Kasi bumili siya ng pagkain? O kumain siya tapos pinagtake-out nalang niya ako?

"Naisip ko lang na...na baka gutom ka na. Para sayo 'yan."

Nanatili akong tulala sa paper bag.

Bakit? Bakit ang bait niya sa akin? Hindi naman kami close.

I sighed and took the paper bag from him.

"Salamat, pero hindi mo rin naman kailangang gawin 'to."

Tumango siya. "I just want to buy you a meal." Ngumiti siya pagkatapos.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon