Umuwi lang ako mas magulo ang isip no'ng gabing 'yon. I hate what Alas said to me pero sa tuwing naiisip 'yon ay parang gusto kong matawa. Nakakatawang isipin na iniisip ko pa 'yon.Imposible naman kasi. Ang katulad ni Marian na halos nasa kanya na lahat ng mga magagandang bagay ang nararapat sa kanya. At siya naman talaga ang gusto.
Tanga lang ni Alas sa mga pinangsasabi. Baka nga talagang lasing 'yon kasi kung anu-anong katangahan naiisip niya.
Maaga akong pumasok sa school kinaumagahan kahit na masakit ang ulo ko dahil maaga akong nagising. Karamihan ng nasa classroom ay halos may hangover, sa katunayan ay mas inumaga nga sila ng uwi kaysa sa akin.
When I saw Priam entered the room ay agad akong napaiwas ng tingin pero agad ko rin namang ibinalik kasi naisip ko...bakit naman?
It's not like naniniwala ako sa mga iniisip ni Alas.
Gaya nga sinabi ko, hindi niya ako magugustuhan! Napakalabo ng bagay na 'yon!
He sat on the chair na halos katapat lang ng row kung saan ako nakaupo, and when I notice his stares, ay doon na ako tuluyang napaiwas ng tingin.
Naisip ko naman bigla na baka hindi ako ang tinitingnan niya kasi bakit naman? Wala naman kaming unfinished business o kahit anong bagay na dapat pang pag-usapan, at lalong ng wala akong atraso sa kanya. But then, having someone staring at my direction still feels uncomfortable. Kahit na hindi man ako ang tinitingnan.
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagmamadaling lumabas ng pintuan nang hindi ko alam ang dahilan. May time pa naman para makapagbihis ako ng WRP uniform for the next class at sure akong hindi ako malelate this time. But I found myself na nakikipag-unahan palabas, umatras ako dahil sa narealize, at pinagsisihan ko naman agad 'yon dahil sa hindi inaasahan ay may nabangga pa ako.
"Sorry," wika ko ng hindi tumitingin.
"Sorry. Are you okay?"
Agad akong napalayo no'ng marealize kung sino 'yon. I saw Priam looking at me, at no'ng magkasalubong ang mata namin ay agad siyang ngumiti.
"Okay lang ako."
Tinalikuran ko na siya at naglakad ng mabilis palayo.
Was he always like that? He'll look at you intently tapos biglang ngingiti?
I shrugged the thought off of my mind at naghanda na para sa next class. I chose dodgeball as my WRP game this time. Naubusan kasi ako ng slot sa captain's ball at okay lang naman sa akin 'yong dodgeball.
Pumunta na ako ng AB gym pagkatapos magbihis at kagaya nga ng inaasahan ko ay una ako sa mga naunang dumating. Mabait naman 'yong facilitator kaya hindi ako nag-alala.
That's what I thought. But when I saw Priam entering the court ay muntik na akong magulat. We have the same WRP schedule again?
What a coincidence!
Inabala ko nalang ang sarili sa panunuod ng mga naglalaro pero nababagabag ako. Should I greet him kasi kaklase ko naman siya? O hayaan ko nalang?
I sighed and chose the first. Hindi naman kami friends kaya okay lang naman na hindi ko siya kausapin. Siguro.
Pumito na 'yong facilitator at tinawag na kami sa gitna. We did stretching and warm-up first bago kami hinati sa apat na team. Napabilang ako sa team 2 at mabuti na lamang ay hindi kami parehong team ni Priam dahil team 1 siya.
Naunang maglaban ang team 3 at 4 bago kami. Simple lang naman ang laro, mangbabato ka gamit ang bola ng volleyball at maoout ang matatamaan, at kung masalo mo naman ay madadagdagan ka ng isang buhay.
BINABASA MO ANG
Bizarre Connection
RomanceUniversity Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne decided to not give up and instead grew tough because of a person dear to her. "Strong, independent, responsible, gorgeous, smart, hardwork...