Chapter 14

344 12 0
                                    


trigger warning: violence

I let Alas drive me home that night because I felt bad. I know he's a playboy and all, pero narealize ko rin na hindi naman siya gano'n kalala katulad ng first impression ko sa kanya. And I appreciate what he did earlier.

His car stopped on the street near my apartment.

"Tama ba?" he asked, pertaining to the street.

Tumango ako. Bigla ko namang naalala, may ibibigay nga pala ako sa kanya.

"Are you really okay now?"

Inangat ko ang tingin ko dahil sa tanong niya. Nakatitig naman siya sa akin na tila hinihintay ang sagot ko.

"Okay lang," sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin bago kinuha ang bracelet sa bulsa ko.

"Here," inilahad ko 'yon sa kanya. Nang hindi niya kinuha ay hinawakan ko na ang kamay niya at inilapag 'yon doon. Hindi pa rin siya nagsasalita at parang litong nakatingin sa akin.

Mukhang tanga.

"Good night!" Mabilis ko 'yong sinabi at agad na akong lumabas ng sasakyan habang hindi pa siya sumasagot.

Ang awkward sa pakiramdam dahil hindi ako sanay magbigay ng mga ganoong bagay lalo na sa mga katulad niya. Dahil doon ay binilisan ko ang lakad ko dahil baka mamaya ay maisipan pa niyang lumabas.

I immediately opened the door of my unit pagkarating ko, ngunit nagulat ako na hindi 'yon nakalock.

Napatigil ako at mag-iisip na sana ng kung maaari kong gawin nang biglang bumukas ang ilaw mula sa loob at bumungad sa akin ang pilit kong tinatakasan at kinakalimutan.

Gustong umatras ng mga paa ko ngunit tila napako na ako sa kinatatayuan ko. Nagsimula ng manginig ang buong katawan ko at pilit kong hinahabol ang aking hininga.

Because the past is here. The person who traumatized me is standing in front me. With no regrets nor shame in his eyes. And I'd like to think na sana ay isa lang 'tong masamang panaginip.

Pero hindi...

"Sa tingin mo ba habang-buhay mo na akong matatakasan?" Ngumisi siya at tila demonyong lumapit sa akin.

Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo palayo, gusto ko siyang saktan! Pero nanatili ako nakatayo sa harapan niya.

Kahit pala ngayon, after all the years I've spent to make myself brave, hindi ko pa rin pala siya kayang harapin ng gan'to. I'm still the same weak Nisha.

Hinawakan niya ang batok ko at hinila papalapit sa kanya.

"Wala ka bang sasabihin sa tatay mo? Hindi mo ba ako hinanap-hanap? Hindi mo ba ako namiss?"

Kahit na nahihirapan na ay umiling ako.

Halos mapasigaw naman ako nang hinila niya ako papasok ng unit ko gamit ang buhok ko. Malakas niyang isinara ang pinto at tinulak ako sa sahig. Gusto kong umiyak dahil sa sakit ng likod at braso no'ng tumama 'yon sa sahig.

Muli ay ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Minahal kita, itinuring na parang prinsesa, pero anong ginawa mo?" Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.

Napagtanto ko naman kung ano ang sinabi niya at kahit na nahihirapan ay sarkastiko akong tumawa.

Minahal? Itinuring na parang isang prinsesa? Where in hell?

I looked at his face at isa lang ang nakikita ko.

"Isa kang demonyo..." buong poot kong sabi.

Tumawa siya at dalawang nakakabinging sampal ang pinakawalan niya. Halos mamanhid na ang mukha ko dahil doon.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon