Chapter 16

444 12 2
                                    


trigger warning: suicide

Despite their judgmental stares and the rumors they've spread about me, I was still able to continue my days. The power of ignoring and not engaging made me able to do that. But I couldn't say that it felt better kasi hindi talaga.

Hearing things na hindi na hindi naman totoo will never make me happy and seeing people avoiding me like I'm some kind of an animal doesn't feel good, too. Yes, I don't have a good background and reputation, but I did nothing wrong to them. Kaya minsan ay hindi ko rin talaga maintindihan.

I sighed.

It has been five days since I said that to him at sa loob ng limang araw na 'yon ay madalang ko siyang makita. I don't care though. Mas mabuti ng malayo siya sa akin at ako sa kanya. Because being close with each other would just ruin us both.

At wala rin akong pakialam kung tutuparin niya ang pinangako niya sa akin because I know deep inside that it's not his fault at alam ko rin na kahit anong gawin mong paliwanag ay hinding-hindi mo makokontrol ang isip ng tao.

Yeah, they may change their behavior when you're in front of them pero kapag umalis ka na ay babalik din sila sa dati. They will still judge you cruelly without knowing the whole story.

Shin and Erika were okay now and I couldn't help but roll my eyes habang pinagmamasdan silang magkatabi sa kabilang couch.

Like seriously, I didn't know that my cousin would be this possessive. Ayaw pakawalan ang bata niya, nakakaloka. Masagwa tingnan para sa akin but it doesn't mean that I'm not happy for them.

Naninibago lang talaga ako, pero masayang-masaya ako para kay Shin. Kasi sa wakas, maliban sa akin, mayroon ng taong mahal at tanggap siya bilang siya. Sana nga lang ay panghabang-buhay na 'yon, dahil hindi ko na talaga kakayanin kapag makita siyang nawawala sa sarili niya at wasak.

Tumungo ako ng kusina para kumuha ng maiinom dahil parang hindi ko na yata sila kayang tingnan.

Gatas ang napili kong inumin, ilang araw na kasi akong umiiwas sa kape dahil mas lumalala ang palpitations.

"Are you okay?" I was surprised to see Shin. Sinundan niya pala ako.

"Oo naman," ngumiti ako sa kanya.

Umiling siya. "May problema ka ba?"

I sighed, kilala nga rin talaga ako nito. But still, it's my problem...at hindi na siya dapat madamay pa.

"School lang, kaya ko na 'to. Huwag kang mag-alala." I laughed but I guess he didn't buy that dahil nanatili ako ang concerned niyang tingin sa akin.

"You should eat more, pumayat ka." He added.

Umiling ako. "Diet ako, huwag ka nga. Huwag mo akong itulad d'yan sa babae mo." I rolled my eyes and acted suplada again so he would stop questioning me already. Ang hirap kasing magsinungaling, kahit na sanay na ako gawin 'yon ay mahirap pa rin at nakaka konsensya.

I stiffened when he hugged me tight.

"Nandito lang ako lagi. Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Kahit na ganito ako, gagawin ko pa rin lahat ng makakaya ko para tulungan ka."

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. It's tempting pero buo na ang loob ko na itago sa kanya ang lahat.

"Okay lang talaga ako, Shin."

Humiwalay ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Uwi na ako, ah. Marami pa kasi akong gagawin na schoolworks."

Tumango siya ngunit batid ko na nanatili sa akin ang concern niyang titig. Before I let my barriers down ay agad na akong tumalikod at lumabas ng unit niya.

Bizarre ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon