Walang pasok kinaumagahan kung kaya't itinuon ko nalang ang pansin ko sa paglilinis ng apartment at paggawa ng homeworks. Ayaw ko ng isipin ang kung anumang naramdaman ko kagabi. Siguro nga ay naiinggit ako sa kanila dahil mayroon silang maayos na pagkatao at buhay...hindi katulad namin ni Shin.Naisipan ko namang bisitahin si Shin no'ng hapon at namili na rin ako ng grocery para sa kanya dahil medyo matagal na no'ng huling beses na pinamilhan ko siya. Knowing him, alam ko namang hindi 'yon pupunta ng mall para mag-grocery, hanggang 7/11 lang ang kayang puntahan non.
I knocked on the door at kagaya no'ng nakaraan ay ganoon nanaman ang nangyari. Agad bumukas ang pinto pero agad namang bumakas sa mukha niya ang disappointment no'ng makitang ako 'yon.
Hindi na nga siguro nagpakita pa ang isip batang 'yon. Ang duwag naman! Pero mas mabuti, hangga't mas maaga pa, hangga't hindi pa tuluyang nasasanay si Shin.
"Musta ka naman?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Okay lang, sa kwarto muna ako." Aniya at hinayaan ko nalang.
I sighed. Mali ba ako sa ginawa ko? Kasi sa nakikita ko...
Nevermind.
May kumatok sa pinto at lumapit naman ako para buksan.
And there...kanina nasa isip ko lang siya pero ngayon nasa harapan ko na.
She looked shocked when she saw me. Yes, bitch! It's me! Ayaw ko naman talagang siyang awayin at pagsalitaan ng masama, pero kapag nakikita ko si Shin at naaalala ko lahat ng pinagdaanan niya sa kamay ng ibang tao, ay handa akong gawin ang lahat para ilayo siyang muli sa ganoon.
But this girl...she's so persistent. At hindi ko alam kung mabuting bagay ba 'yon o hindi. Pero ito lang ang nasisiguro ko sa ngayon...she's capable of making Shin happy and sad at the same time. Ang bagay na kinatatakutan ko.
I tried to push her away from him pero nang marinig ang boses ni Shin na pinipigilan ako, at mga titig niya sa kanya na halos tunawin na niya. It's different. Nararamdaman ko na may halo iyong pananabik at kasiyahan. I've never seen him that way, ngayon lang, kaya natatakot ako. At nagiguilty rin dahil parang pinagdadamot ko sa kanya ang kasiyahan niya.
Hindi ko na alam kung ano ba ang tamang gawin. Should I just let him decided on his life? Or should I interfere?
I went to school the next day, still worried about Shin and that childish brat!
"Nisha! Birthday ni Kyle mamaya! Invited tayo!" Salubong ni Fina sa akin.
Umiling naman ako. "I can't go. May trabaho ako mamaya." At hindi ko gawain ang pumunta sa mga birthday, gusto ko sanang idagdag 'yon pero pinili ko nalang na manahimik dahil tinatamad akong magsalita.
Nakakapagod mag-isip, mag-alala, at maguilty.
The day went on like that, mabuti nalang ay walang masyadong ganap. I noticed that Priam's absent. Hindi naman sa hinahanap ko siya o binabantayan, sadyang napansin ko lang 'yon.
Pagkadismiss ay umuwi kaagad ako at nagdesisyong matulog muna ng isang oras bago maghanda para sa trabaho. At dahil pagod nga ako ay sumobra pa sa isang oras ang tulog. Mabuti nalang at hindi ako tinantanan ng alarm ko.
Mabuti nalang ay walang traffic kaya isang oras bago ang shift ko ay nasa bar na ako. Nagdesisyon akong tawagan si Shin para kamustahin siya. Nagriring naman 'yong number niya pero walang sumasagot.
Napabuntong-hininga ako. I know now that what I did was wrong. May isip naman siya at sariling damdamin kaya sana pala ay hinayaan ko nalang siya. Sana hindi lang ako nakilaan para sana hindi siya nagtatampo sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Bizarre Connection
RomanceUniversity Belt Encounter Series #4 Experiencing trauma and repetitive abuse was never easy but Nisha Korinne decided to not give up and instead grew tough because of a person dear to her. "Strong, independent, responsible, gorgeous, smart, hardwork...