"Vienna, gusto mo ng chocolate?"
Lumingon si Vien kay Lantsov at nakita niya na tumitingin-tingin ito sa mga chocolates na naka-display. Lumapit siya sa lalaki habang hawak ang maliit na paper bag.
"Sige ba, pero libre mo," nakangising sambit niya kay Lantsov. Tumawa nang mahina si Lantsov bago tumingin kay Vien. "Oo naman, 'no!" nakangiting sagot ni Lantsov. He knows that she likes chocolates so much. Napansin nito ang dala ni Vien.
"Iyan lang ang binili mo?" tanong ni Lantsov. Tumingin saglit si Vien sa hawak niya bago binalik ang tingin sa lalaki. Her brows frowned.
"Oo. Mga kulang ko lang naman sa essentials ko," Vien said while smiling. Napatango lang si Lantsov. Kumuha na ito ng tatlong chocolate bar at iba't ibang brand bago nilagay iyon sa cart.
"Wait, seryoso ka?" gulat na tanong ni Vien sa lalaki. Tumango naman si Lantsov habang nagtataas-taas ang dalawang kilay. Napailing nalang si Vien. Mayaman naman itong kaibigan niya.
Nandito na sila sa loob ng Robinsons. Pumunta muna siya sa Watsons bago siya pumunta kay Lantsov na nagtitingin-tingin sa isang stall na puno ng sweets. Medyo maayos na rin ang pakiramdam niya. Hindi na siya nagpaalam pa kay Regulus dahil sa inis at takot na naramdaman niya. Sabagay, she can't blame him. Hindi naman nito alam na natakot siya.
Ayaw niya at natatakot siya kapag mabilis ang takbo ng sasakyan. Ayaw na ayaw niya dahil iyon ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay noong college sila sa isang field trip. It gave her trauma.
Malapit na rin silang matapos mamili. Si Lantsov ang may hawak ng paper bag na may lamang sweets. Ang kasama niya sana ay si Kat kaso busy ang kaibigan niyang iyon. May family gathering daw ang mga ito kaya hindi ito makasama kay Vien.
"Tara na. Let's pay for it." wika ni Lantsov bago nilingon muli si Vien. Tumango lang si Vien at nauna ng maglakad. Nasa likod niya lang si Lantsov habang nagtititngin-tingin pa rin sa mga displays.
Matapos mailagay lahat sa paper bag ang pinamili nila, lumabas na rin sila agad. Tamang-tama naman na paalis na sila ay biglang tumunog ang cellphone ni Vien. Kinuha niya ito at nangunot ang kanyang noo dahil unregistered number ito pero kalaunan ay sinagot niya pa rin.
"Hello?"
"Vien," nagulat siya ng marinig ang pamilyar na boses galing kay Regulus. Tiningnan niya ulit ang caller pero unregistered number talaga ito. Nagtaka tuloy siya kung paano nito nakuha ang number niya.
"H-Hey, Regulus. How are you? Paano mo pala nakuha itong number ko?" tanong ni Vien sa asawa. Ilang segundo na tumahimik ang nasa kabilang.
"Don't mind it. Can you go here at my company?"
Mas lalong nangunot ang noo ni Vien. Bigla niyang naalala na naiinis siya sa lalaking ito kanina pero hindi naman siya marunong magtanim ng sama ng loob kaya wala na lang iyon sa kaniya.
"And why? May kailangan ka ba o nalimutan sa bahay?" mahinahong tanong ni Vien.Mukhang wala naman dahil lahat ng gamit nito ay chineck niya bago ito umalis.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomanceThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...