26

1.7K 15 0
                                    

Vien woke up but she feels empty. Parang may kulang sa kaniya. Napatingin siya sa sarili niya. She's in Hospital again. Naka-dextrose pa siya. Napatingin siya sa tyan nang nang maalala ang nangyari.


"A-Ang baby ko,"


Napatingin siya sa gilid niya nang makitang nandoon si Regulus. Nakayuko sa kama habang hawak ang isa pang kamay niya. Kalaunan ay dahan-dahan itong tumingala. "Wife, you're awake," mahinang sambit nito. Binawi ni Vien ang kamay niya. "D-Don't touch me,"


"And don't you call me your wife." dagdag pa ni Vien. Napahawak siya sa kaniyang tiyan. Bakit parang may kulang sa kaniya? She couldn't feel it.


"A-Ang anak ko?"


Sakto namang pumasok ang Doctor. "Mrs. Vallega," wika ng Doctor. Tumingin si Vien dito. Mabilis ang tibok ng puso niya. "Doc, my baby? How's my child?" tanong ni Vien. Huminga ito ng malalim bago pinagsiklop ang mga kamay nito.


"Actually Mrs. Vallega, you're here for almost 4 days. Ilang araw kang tulog. You had a miscarriage, Mrs. Vallega and I'm sorry for that. Your baby didn't make it dahil sa lakas ng pagkakabagsak mo at marami ring dugo ang nawala sa iyo." wika ng Doktor.


Natulala na lang si Vien. Tumulo ang luha niya. It broke her heart. Bakit ang anak niya pa?


"S-Salamat, Doc. But, can you please leave us alone for now?" sambit naman ni Regulus. Tumango ang Doktor bago ito lumabas. Nilingon ni Vien ang lalaking dahilan kung bakit nawala ang anak niya. Namumula ang mata ni Regulus at malaki rin eyebags nito. May gasa rin ang kaliwang kamay nito. 


Mariing tumingin si Vien sa sawa niya. Naikuyom niya ang kamao niya. "This is what you want, right Regulus? Ayaw mo naman sa anak natin. You should be happy kasi wala—"


"N-No, Vien." Yumuko si Regulus. Nang tumingin muli ito sa kaniya ay may luha nang dumadaosdos sa pisngi nito. "N-Never ever in my life na gusto kong mawala ang anak natin. I was just coward, Vien. Me and Eloiza had an agreement after she knew na asawa na kita. If hindi ko siya susunduin, she'll hurt you. And I know it was a stupid idea to agree with her.  Pero ginawa ko pa rin dahil ayokong saktan ka niya. But it turns out, sinaktan ka niya pa rin pala. I did explained to her kung bakit kita pinakasalan pero parang wala lang iyon sa kanya. Basta gaganti raw siya sa atin," mahabang sambit ni Regulus habang umiiyak.


Nakatingin lang si Vien sa lalaki. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon. "I'm also sorry for what I did. Yung mga naging treatment ko sa'yo. Pati na iyong naabutan mo kami ni Eloiza. Wala ako sa sarili ko non, Vien. May gamot akong nainom na galing sa juice na binigay niya sa akin. At yung narinig mong umungol si Eloiza no'ng nasa hagdan ka, hindi rin iyon totoo. Walang nangyari sa amin. I'm sorry, wife," huminga si Regulus ng malalim. He knows na kahit ilang sorry pa ang sabihin niya kay Vien, hindi na nito mapapalitan ang sakit na pinaramdam niya para sa asawa.


"I.. H-Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Naging duwag ako sa totoong nararamdaman ko para sa'yo," lumunok saglit si Regulus. "I was angry at you but whenever you're with me, bumabalik yung dati. I already removed and forget those feelings for you for almost years pero bumabalik, Vien."

Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon