[ THE PAST: YEAR 2017 ]
"Hey Regulus! Kanina ka pa pabalik-balik diyan. May problema ka ba?" taas kilay na tanong ni Lexus kay Regulus na kararating lang. Isa si Lexus Maniego sa mga varsity player ng campus nila tulad niya.
Salubong na kilay niyang tiningnan si Lexus matapos nitong umupo sa bench. Nasa loob sila ng basketball court ng campus at biyernes na. Sa Sabado na ang flight nila kaya hindi na siya mapakali.
"The hell Regulus! Nakakahilo ka na, sit here bud." Lexus hissed.
Inis naman siyang umupo bago hinarap si Lexus. "Hindi ka na naman mapakali, si Vien na naman ba? I know you," wika nito na ikinatango niya. Mas matanda si Lexus ng tatlong taon kaysa sa kaniya kaya parang kuya niya na ito. Wala naman siyang kapatid para matawag niyang kuya o bunso dahil nag-iisang anak siya.
"Y-Yes. Y-You know, we're leaving this coming Saturday and I really want to confess to her before I leave. And I know how stupid my decision is. Pero kahit huli na, gusto ko lang malaman niya ang nararamdaman ko," mahinang wika ni Regulus.
She likes Vienna ever since they were in grade school, but he doesn't know if she will like him back. Takot siya sa rejection kaya ito ang naging desisyon niya. Bago siya umalis, aamin na muna siya ng nararamdaman niya sa babae.
"Yes, you're a stupid ass. I wonder why some people afraid of rejection like you?" natatawang tanong ni Lexus sa kaniya. Inis niyang tiningnan si Lexus pero nginisian lang siya nito. Porket kasi masaya ang buhay love life nito.
"I want some advice from you kuya Lexus. Gusto ko na talagang umamin sa kaniya. It's not that, I like her. I love her already," mahinang wika ni Regulus. Napabuntong hininga si Lexus bago tumayo.
"A simple advice for you. Kung aamin ka dapat ihanda mo na ang sarili mo. And of course, before you confess, yayain mo muna siya sa mall or restaurant or, any places that you'll confess or place where she is comfortable. Understood?" sabi ni Lexus na ikinatango naman ni Regulus.
And that's what he did. Thursday afternoon, niyaya niya si Vien na lumabas sila sa Friday night. She's confused at first pero pumayag naman ito. "Are you okay?" nagtatakang tanong ni Vien kay Regulus habang nakasakay sila sa kotse pauwi sa bahay nila.
"I-I'm okay," sagot ni Regulus pero hindi kumbinsido si Vien na ayos lang si Regulus kaya sinipat niya ang noo ng lalaki. Nagulat pa ito pero mabilis namang nakabawi. "Wala ka namang lagnat. Naka-on naman ang aircon nitong kotse mo pero pinagpapawisan ka. Tell me, okay ka lang ba?" tanong ulit ng dalaga.
Tumango lang si Regulus. Laging mabilis ang tibok ng puso niya kapag malapit si Vien sa kaniya. Mabuti nalang malapit na ang bahay nila. Inihinto niya na ang sasakyan sa tapat ng bahay ng babaeng mahal niya.
"Regulus, salamat pala sa paghatid mo. And also may pa-cheese cake ka pa," nakangiting wika ni Vien matapos ipakita ang cheese cake na bigay ni Regulus.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomansaThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...