"Congratulations ulit sa inyo mga anak. Mag-iingat kayo. Ikaw Regulus, h'wag mong pababayaan si Vien. She's your wife now. And you, Vien. Tumawag ka sa'kin kung magkaroon man kayo ng problema so we could help you if you need us," nakangiting wika ng nanay ni Regulus Vallega.
Hindi naman umimik ang lalaki. Umiwas ito ng tingin dahil sa inis na nararamdaman nito. He is fucking pissed since a while ago. Tipid namang ngumiti si Vienna dahil doon. Ang mga magulang ni Regulus ay nandito rin. Ang magulang lang na babae ni Vienna ang nandito ngayon dahil nasa ibang bansa ang ama niya.
Tumingin si Regulus sa Ama niya. His Dad is a Filipino and half Italian. Kuhang-kuha niya ang ilan sa mga features nito. Maraming nagsasabi na carbon-copy niya ang tatay niya. Lalong lalo na ang berde nitong mga mata na nakuha niya.
"H'wag kang gagawa ng ikakagalit ko, Regulus. Don't you dare to go to your girlfriend. Layuan mo na siya kung ayaw mong sirain ko ang buhay niya or much better kung makipaghiwalay ka nalang sa kanya," madiin at seryosong sambit ng ama niya.
Naikuyom ni Regulus ang kaniyang kamao. Ito ang ayaw niyang marinig mula noong maikasal siya. "Dad, can please you stop saying those nonsense words? I won't do to that to Eloiza. Kasal lang ako sa babaeng ito," saglit na tumingin si Regulus kay Vien bago tumingin muli sa ama niya. Rinding rindi na ang tainga niya sa sinasabi nito. Kung hindi niya lang ito nirerespeto, baka nagkasakitan na sila ng ama niya.
"I just married her, pero hindi ko siya mahal. Si Eloiza lang ang mahal ko at gusto ko," madiin ang bawat salitang binitiwan ni Regulus. Napayuko nalang si Vien habang kagat ang pang-itaas na labi niya. Tumiim ang panga ng tatay ni Regulus. The atmosphere between them is getting hot.
"Regulus, watch your mouth! Mahiya ka naman kay Vien. Nasa harap mo ang asawa mo at—" Hindi na pinatapos ni Regulus magsalita ang tatay niya, pinutol niya na agad iyon.
"I don't care, Dad. It's your fault anyway. Pinilit niyo kami. We're friends tapos magiging mag-asawa? Putangina! Hindi ko kayang tanggapin, dad." Regulus hissed.
Mas lalong nainis ang tatay ni Regulus. Napatulala naman ang magulang na babae ni Vien at Regulus dahil sa inakto ng lalaki. Hindi agad nakabawi ang mga ito. Naka-awang ang labi ng mga ito sa gulat.
"Regulus. This is not you anymore. Bakit ka ganiyan?" seryosong tanong ng nanay ni Vien. Kilala nito si Regulus. Hindi naman ito ganito noon kaya nagulat siya sa inakto nito.
"My feelings are valid, Ma. What do you think of me? Tingin niyo ba ay hindi ako tao? What would you expect me to react? Should I be happy because I'm marry my friend? That is bullshit! May girlfriend na ako!" saad ni Regulus at basta nalang hinila si Vien papasok sa kotse niya.
"Aba! Regulus!" saka lang nakabawi ang ina ni Regulus. Sumigaw ito pero hindi siya pinansin ni Regulus.
Walang imik na nag suot ng seat belt si Regulus bago pina-andar ang sasakyan paalis doon. Naipikit ni Vien ang mga mata niya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Natatakot siya at the same time ay kinakabahan din. Malibas na mabilis ang pagpapatakbo ni Regulus ng sasakyan at nakakatakot din ang awra ng mukha ng lalaki. He has a stern face right now.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomanceThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...