Kinabukasan. Tinanghali na akong nagising. Maganda ang tulog ko kahit sa guest room lang. Pagkababa ko ay kumakain na sila Vien. They're having a small talks while eating. Natigil iyon nang makita nila ako sa tabi.
"Come join us, iho." sambit ni Tita. Mukhang hindi na siya galit sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila. Ang hindi lang ngumiti pabalik sakin ay si Tito pati si Vien. Sa tabi ako ni Chandria umupo. "Salamat po," ani ko.
"Naikuwento sa amin ni Vien na gusto mo raw mag-tour ngayon specially sa meeting place n'yo noon ni Vien, right anak?" tumingin si Tita kay Vien. Agad naman siyang tumango bago tumingin sa akin.
"Yes. After we eat, we can tour around," saad niya bago binalik ang tingin sa pagkain. Huminga ako ng malalim. May galit pa rin ba siya sa akin? Parang ayaw niya ako rito. Nahahalata ko iyon.
After we eat, tinawag na ako ni Vien. Kasama niya si Chandria at magkahawak sila ng kamay. "Uuwi ka na ba pagkatapos nito? You'll get stink," aniya bago tiningnan ang suot ko.
Yeah, right. Wala nga akong pamalit na damit.
"It depends," sagot ko naman. Hindi na siya umimik.
"Tara na sa likod. Minsan na lang din kami pumunta rito kasi nga busy. Yung mga magulang ko nalang yung nag-aalaga ng place na ito kaya kahit papaano napi-preserve pa rin." aniya habang naglalakad kami. Tumango ako. "Mommy, dito kayo ni Tito Regulus dati naglalaro? Friends pala kayo?" Chandria asked her.
"Y-Yes, anak. We're super kulit nga dati," nakangiting wika ni Vien. I smiled because of that. Sumabay ako sa kanila at hinawakan naman ang isang kamay ni Chandria.
"Vien?"
Nilingon niya ako nang tawagin ko siya. Tumaas ang dalawang kilay niya. "Are you avoiding me? Or, are you still mad at me?" I asked. I am so bothered to that question. Umiling naman siya.
"Hindi naman ah? Bakit?"
Ngumiti lang ako. "Wala, baka sadyang naging ganiyan ka na talaga after what I have done to you," I uttered. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. She look away from me. Nagpatuloy kami sa paglalakad habanag hawak namin si Chandria.
Pumunta na kami sa may duyan. Dalawa iyon. One for her, one for me. I smiled remembering our childhood memories. Umupo ako sa tabi ni Chandria at tinuro yung duyan na nakalapag sa lupa. Kalawangin na. "There, diyan kami naglalaro ni Mommy mo noon," I said.
"Talaga po?" Amusement is visible in her eyes. Kamukhang-kamukha niya si Vien. But one thing I noticed is, her eyebrows and the shape of her eyes. Napangiti ulit ako.
"Yes, anak." sagot ko. Napatingin ako kay Vien nang ilayo niya sa akin si Chandria.
"Did you just called my daughter, anak?" salubong kilay na tanong niya. Tumayo na ako. I put my hands inside my pocket.
"Yes," sagot ko. She smiled a bit before shaking her head.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomanceThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...