20

1.7K 17 0
                                    

"Seems like, you need to tell me something, Vienna." mahinahong sabi ni Regulus habang pinaghahanda si Vien ng pagkain. Huminga si Vien ng malalim. Wala na si Kat sa bahay nila ngayon dahil sinabi nito na kailangan nilang dalawa na mag-usap tungkol sa pagbubuntis niya.


Ngayon, hindi niya alam kung paano ito sasabihin kay Regulus. Mukhang hindi naman kasi nito narinig ang usapan nila ni Kat. "Ah, a-ano kasi.." Humigpit ang pagkakahawak niya sa PT na tinatago niya sa likuran niya.


"What?"


Umupo na ito sa harapan niya matapos nitong ma-iayos ang ni-request niyang pagkain. Diretsong nakatitig ang asawa sa mga mata niya. Naghihintay kung ano ang sasabihin niya. "N-Nakalimutan ko na, eh." nakangiwing sambit ni Vien at nag-peace sign. Tinago niya ang PT sa bulsang nasa likod ng pants niya saka ininom ang buko juice na pinabili niya sa asawa,


Napataas ng kilay si Regulus. Para itong nagatataka. "Really? Honestly Vien, you made me curious." Salubong kilay na sambit ni Regulus. Bahagyang natawa si Vien dahil doon pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Lalo na't naiisip niyang magtataka ito kapag lumaki na ang tiyan niya.


Huminga siya ng malalim bago tinigil ang pagsimsim sa juice. "P-Pero, may sasabihin talaga ako sa'yo. Not just now. Give me some time muna, Regulus. Hindi... Hindi pa kasi ako handa," pag-amin niya. Mas lalong nagsalubong ang makapal nitong kilay.


"Really wife?"


Nang marinig ni Vien ang salitang iyon, parang lumundag ng mataas ang puso niya dahil sa tuwa. He called him his wife and because of that, kinikilig tuloy siya. Kusang gumalaw ang kamay niya. Tumingin siya sa kisame at pinaypayan ang mata niya. Para siyang maiiyak. Is it because of her hormones? She's so sensitive na ngayon.


"Hey.. parang naiiyak ka," 


Kinagat ni Vien ang pang-ibabang labi niya at umiwas ng tingin sa asawa. Dali-dali siyang pumasok sa kuwarto niya at humiga sa kama. Ang bilis magbago ng mood niya, siguro ay dahil na nga iyon sa hormones niya.


Ilang sandali ay nakarinig siya ng katok sa labas. "Vien, open this door. What happened to you? Bakit ka umiiyak?" boses iyon ni Regulus matapos nitong katukin ang pinto. "I'm okay! Okay lang ako! But, don't you dare to open the door. Lagot ka sa'kin!" sigaw niya bago binalot ang sarili ng kumot habang sumimsim ng buko juice.


"O-Okay, but sigurado kang ayos ka lang?"


Tumigil saglit sa pagsimsim si Vien at sinagot ang muling tanong ng asawa. "A-Ayos lang talaga ako!" sigaw niya ulit.


Napabuntong hininga si Regulus. Umalis siya sa tapat ng kuwarto ni Vien. Bumaba siya at dumiretso sa mini office niyang kagagawa pa lang. He stayed there for an hour to finish some of his papers na kailangan niyang ayusin. At hindi niya namalayan na gabi na pala. Nang lumabas siya para pinuntahan si Vien sa kuwarto nito ay natutulog na ito. Nandoon pa rin ang buko juice nito.


He look at her face hanggang sa makaupo siya sa tabi nito. He brush her hair and tucked some of her hair strands behind her ear. Huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin. He look for his phone and then, he open it. May message sa kaniya si Eloiza. Gusto raw nitong makausap siya mamaya. Nagsalubong ang kilay niya dahil doon. Kakapunta niya lang sa Hotel na tinutuluyan nito kanina. And yes, he lied to Vien. May parte sa kaniya na nakaramdam siya ng pagka-guilt. He wants to say sorry to his wife pero hindi niya naman alam kung papaano magsisimula. Dinalaw niya lang naman talaga si Eloiza at nagtanong ito kung saan siya tumutuloy. But of course, he lied to her too.

Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon