41

1.6K 16 0
                                    

Pagdating ko sa hospital ay naabutan kong nakaupo sila Tito sa labas ng kuwarto. Agad ko silang nilapitan. "Tito.."


Lumingon sila sa akin ni Tita. Namumula pareho ang kanilang mga mata. Patuloy ang pagtulo ng luha nilang pareho. "A-Ano na pong nangyari kay Regulus? Is he okay?" nag-aalalang tanong ko. No'ng sabihin nilang tumigil sa pagtibok ang puso ni Regulus, hindi ako mapakali.


Gusto kong umiyak habang papunta rito pero kailangan ko namang tatagan ang nararamdaman ko.


Umiling si Tito. Natulala ako saglit bago sunod-sunod na umiling. "No! Tito, ano bang nangyayari? Is Regulus okay?!" napasigaw na ako. Naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha ko. Tumingin sa mga mata ko si Tita.


"V-Vien, he.. m-my son, he's gone..." kasunod ng pagsabi ni Tita ay ang pagtulo muli ng luha niya.


Natulala ako ng ilang saglit. Parang nagslow motion ang paligid ko at nabingi ako sa sinabing iyon ni Tita. Marahas akong tumayo at pumasok sa loob ng kuwarto ni Regulus. Naabutan kong tinakpan na ng doctor ang mukha niya ng puting tela. Tumulo ang luha ko. He can't be!


"Bakit n'yo ginagawa yan kay Regulus?! Hindi siya makakahinga!" umiiyak na sambit ko bago dinaluhan si Regulus. Pinigilan nila ako na tanggalin ang puting tela na nakatakip sa mukha niya, pero hindi ako nagpa-awat.


Nang tuluyan ko nang matanggal iyon ay bumungad sa akin ang putla at nilalamig na bangkay ni Regulus.


"Regulus! Ano ba?! Wake up!"


That's the start, humagulgol na ako. Iyak na ako ng iyak habang yakap ang malamig niyang bangkay. Inaawat nila ako at nilalayo sa kaniya pero ayoko. Hindi ko pa siya kayang bitiwan.


"Please, Doc. Ayokong mawala siya sakin. Please! Gawan n'yo po ng paraan!" sigaw ko.


"Ms. Flamean, I'm sorry but we did our best. Si Mr. Vallega na po ang bumitaw." sambit ng Doctor.


"No, Doc!" sumigaw ako. Sobrang sakit ng puso ko. Hindi ko matanggap ang ganito. Hindi kami nagkaayos, tapos iiwan niya nalang kami ng anak niya! Hindi pa siya kilala ni Chandria!


"M-Miss, dinudugo ka po," sambit ng isang nurse pero hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin.


"No, please! Please! Save him!" sigaw ko habang kinukuha nila ang katawan sakin ni Regulus. Natigil nalang ako sa paghagulgol nang may tinurok silang gamot sa akin at ikinahina ko iyon.


Napatingin ako sa unti-unting paglayo nila ng katawan ni Regulus sa akin.
"N-No, Regulus. H-Huwag mo naman kaming iwan ng anak mo... M-Mahal pa naman kita, bumalik ka, p-pakiusap.." sambit ko.


"R-Regulus, please..." hanggang sa makapikit na ako ay siya ang laman ng isip ko.


Lahat ng nangyari sa nakaraan namin, good or bad, ay nag-flashback sa utak ko. I'm not ready to let him go.


Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon