Vienna's POV
Akala ko guni-guni ko lang ang lahat kagabi. Ang lahat palang akala ko lang ay totoo. Dahil ngayong umaga ay nagising akong nasa kama ng kung sino. I gulped while composing myself.
Wala na akong masyadong matandaan kagabi. Dali-dali akong umalis na hindi alam kung sino ang nakatalik ko. Ilang buwan matapos may mangyayari sa amin ng lalaking iyon ay nakaramdam na ako ng sintomas na gaya ng mga naranasan ko sa panganay ko.
"B-Buntis ako..." naiiyak kong sambit habang nakatingin sa pregnancy test na hawak ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Ilang minuto akong tumagal sa loob ng banyo bago ko naisipang lumabas.
Humiga ako ng kama at hinaplos ang tiyan ko. "A-Anak, I'm sorry ha? H-Hindi alam ni Mommy kung sino ang Daddy mo. But, I'll promise. Aalagaan kita. Hindi ko hahayaang mawala ka rin sa akin katulad ng kuya mo.." bulong ko.
"Chandria? Where are you?"
Naglalakad ako pababa ng hagdan. Kakatapos ko lang maligo at magligpit ng kalat namin sa kuwarto. "Dad? Ma?" tawag ko muli. Dumiretso ako sa kusina at wala pa ring tao roon. Nilibot ko muli ang buong buhay pero wala talaga sila kaya lumabas na ako. Dumiretso ako sa pool area. Nakahinga ako nang malalim nang makita kong kasama ni Mama si Chandria. Napatingin sa gilid ng pool.
Seryosong nag-uusap sina Dad at Regulus. Umiwas ako ng tingin nang lingunin ako ni Regulus. Dumiretso nalang ako sa anak ko. "Baby.."
Ngumiti agad siya nang makita ako bago patakbong lumapit sa akin. "Mommy! Gising ka na po!" humalik siya sa pisngi kong magkabilaan at gano'n din ang ginawa ko sa kaniya. I look at her while smiling. "Good morning, 'nak. Tara?" aya ko bago kami lumapit kay Mama. Tumango naman siya at humawak sa kamay ko.
"Mommy, sabi ni Lola may Daddy daw ako,"
Napatingin ako sa kaniya dahil sinabi niya iyon. "O-Of course you have, anak. Why did you ask?" I cleared my throat after that. Tumingin sa'kin ang anak ko. "Mommy, is Tito Regulus my Dad? Cause I heard Lolo and Tito Regulus talking about me. Tito Regulus said that I am his daughter. Totoo yun, 'Mi?" inosenteng tanong niya na ikinangiti ko. Umupo ako bago siya binuhat.
Sa oras na ito ay kinakabahan na ako. Oo, we are at this point. Alam ko na ang totoo. Pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa anak ko. Alam kong marami pa siyang magiging katanungan tungkol sa amin ng Ama niya. Hindi ko ito napaghandaan.
Huminga ako nang malalim. I tucked some strands of her hair behind her ears. "Anak, me and your Tito will still talk about that, okay? For now, let's go to Mommy La na muna. Kumain na ba ang baby ko?" tanong ko. Marahan siyang tumango na ikinanguso ko naman.
"Sorry, Mommy. I tried to wake you up kanina kasi na-fall asleep ka po ulit pero kasi sabi ni Tito Regulus, huwag daw po muna kasi you were tired daw sa ginawa n'yong game kagabi."
Para akong nangamatis bigla sa sinabi ng anak ko. "Apo, Anong game pala ang ginawa ni Tito at Mommy mo kagabi at kaya siya napagod?" tanong ni Mama na mas kong ikinapula. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomanceThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...