"Lo-love, ang pangit mo pala sa malapitan."
Agad na kumunot ang noo ni Regulus nang marinig ang sinabi ng asawa niya. Bumitaw siya ng yakap dito at umupo sa kama. Kakagising niya lang kanina dahil pinuyat siya ng asawa para sa pinapahanap nitong pagkain.
"Ako? Pangit, love?" tinuro niya pa ang sarili niya. Tumango naman ang asawa niya at hinimas ang tiyan nitong malaki. "Kahapon naman ay ang guwapo mo sa paningin ko, pero ngayon, ang pangit mo na." dagdag pa nito habang nakatingin kay Regulus.
Huminga si Regulus ng malalim. Kailangan niya pang habaan ang pasensiya niya. Hindi niya matanggap na pangit siya. Guwapo naman at kamukha niya si Toubias noong pinanganak ito ni Vien.
"She's just pregnant, Regulus. She's pregnant," pagpapaalala ni Regulus sa sarili niya.
"Okay, love." nakangiting wika niya at bumalik sa pagkakahiga. Niyakap niya muli ang asawa pero itinaboy naman siya nito. "Ang baho mo na naman, lo-love. Maligo ka ulit, please." wika nito habang nandidiring nakatingin sa kaniya.
"Fuck.." mura niya sa isipan niya. Unti-unti siyang bumangon bago umalis sa kama.
"And also, after mong maligo. Pwedeng gawan mo ako ng avocado shake. May milk, butter, and cheese siya. Iyong cheese ay toppings sana. Please, lo-love?" nakangiting wika nito. Bumagsak naman ang balikat ni Regulus. He thought na kapag nagising na siya ay makakapahinga siya pero hindi pa rin pala. Dahil iyon sa walang katapusang cravings at utos ng buntis niyang asawa.
Ngumiti siya at lumapit dito. Hinaplos niya ang buhok nito saka dinampian ng halik ang noo. "Oo na po, lovely wife. I'll be back." sambit ni Regulus. Ngumiti lang sa kaniya si Vien bago isinandal ang ulo nito sa headboard ng kama, kinuha ang remote ng T.V bago nanood. Malalim na napabuntong hininga si Regulus nang makalabas na siya ng kuwarto.
Naka-leave siya hanggang sa dalawang linggo pagkatapos manganak ni Vien. Gusto niya rin kasing maging hands on sa asawa niya. Pitong buwan na ang tiyan ng asawa niya at puro cravings pa rin ito. This is actually their fourth child, simula sa anghel na nilang anak.
Apat na taon na ang nakakalipas mula ng manganak ito sa pangatlo nilang anak na si Toubias, ang batang pinagbubuntis noon ni Vien noong akala nitong patay na talaga siya. Pinaliwanag niya na rin kay Vien na tinapos niya na ang ugnayan sa underground pati na ang kaso ni Walter.
Nagtampo si Vien sa kaniya ng halos dalawang linggo dahil akala talaga nito ay wala na siya. Mabuti nalang ay nadala niya ito sa suyo at nagpropose narin siya rito. Ngayon ay malapit na naman ang wedding anniversary nila at sa tingin niya ay sakto iyon sa panganganak ng asawa niya.
Matapos maligo ni Regulus ay ginawan niya na ng shake ang asawa niya. Nang matapos iyon ay dinala niya na iyon sa asawa niya. Naabutan niya itong nanonood ng Barbie Movie. Napangiti ito nang makita siya. "Hey lo-love, here's your order." nakangiting sambit ni Regulus palapit kay Vien. Hindi maiwasang matuwa ni Vien. Kinuha niya agad sa asawa ang shake na nakalagay sa tray.
"Thank you, love." aniya bago dinampian ang asawa ng halik sa labi. Ngumiti naman si Regulus sa kaniya. Pero nang makita niya ang itim sa ilalim ng mga mata nito, nakaramdam siya ng pagka-guilty.
Halos hating-gabi kasi o alas-dos ng madaling araw nagsusumpong ang cravings niya at ang asawa niya ang inuutusan niyang bumili. At minsan ay hindi niya pa nakakain dahil naaabutan siya nitong tulog kaya umaga niya na ito nakakain. "Love? Okay ka lang ba? Sorry talaga," nakangusong sambit niya bago sinuklay ang buhok nito. Napapikit naman ito sa ginawa niya.
"Inaantok pa ako, lovely wifey. Pero susunduin ko pa ang mga bata," malambing na sambit nito. Ibinaba na muna ni Vien ang hawak niyang shake. Tumayo siya at kumuha ng towel. Pagkatapos ay pinunasan niya ang basang buhok ng asawa. Pinahiga niya ito sa headboard ng kama nila. Mapupungay ang mata nitong tumingin sa kaniya. Ang guwapo nito sa suot nitong simple puting sando at khaki shorts.
Kahit papaano ay gusto niyang bumawi sa asawa. "I'll call Primus, ipapasundo ko sa kaniya ang mga bata." nakangiting wika ni Vien. Nangunot naman ang noo ng asawa niya. "Baka magtampo sa akin si Chan, you know our daughter, lovey," wika ni Regulus na ikinatango ni Vien. Kaya ang nangyari ay sumama nalang din si Regulus at Vien sa pagsundo sa mga bata pero si Primus. Nang makarating sila sa school ay nakita agad nila ang dalawang bata na naghihintay sa waiting shed.
"Mommy! Daddy!" their kids said in unison. Sinalubong sila ng yakap ng mga ito. Papikit-pikit pa si Regulus na niyakap ang mga anak. Binuhat niya si Toubias samantalang hawak naman sa kamay ni Vien si Chandria. Pagdating nila sa kotse ay naka-krus ang mga kamay ni Primus ang sumalubong sa kanila. Nang makita nito ang mga bata ay agad itong ngumiti.
"Hello, babies!" nakangiting wika niya sa mga bata. Lumapit naman sa kaniya si Toubias at nagmano sa kaniya. Napangiwi nalang si Primus sa ginawa ng inaanak. "God bless po, ninong." nakangiting wika ni Toubias.
Ginulo ni Primus ang buhok ng inaanak niya matapos nitong magmano. "Ikaw talaga," aniya.
"Mom, inaantok po ba si Dad?" tanong naman ni Chandria kay Vien habang naglalakad sila papasok sa kotse ni Primus. Nilingon saglit ni Vien ang asawa. Humihikab ito nang paulit-ulit. "Yes, anak. Mamaya makakatulog din si Daddy natin, puyat lang dahil sa cravings namin ni baby," sagot naman ni Vien sa anak. Tumango si Chandria at hinaplos nito ang tiyan niya bago ito dinampian ng halik. "Ate can't wait to see you, baby!" masayang sambit nito.
"Toubias!"
Napalingon ang lahat dahil sa maliit na boses ng babae na sumigaw. Isang batang babae naka-braid ang buhok ang patakbong lumapit kay Toubias. Hindi nito pinansin ang mga nakatingin sa kaniya at bumulong ito kay Toubias. Sobrang hina ng boses ng batang babae kaya lahat sila ay nag-aabang sa kung ano ang sasabihin ni Toubias.
"A-Ah! S-Sige, Eryd. I.. I am happy for you. Uuwi na kami," utal na sambit ni Toubias. Nabuhay sa pagkakaantok si Regulus at takang tumingin sa anak niya nang hilain siya nito papasok ng kotse. Nang sa kotse na sila lahat ay bigla nalang humagulgol ng iyak si Toubias. Nagtaka naman ang lahat sa inasal ng bata.
"Anak, what happened?" takang tanong ni Vien habang pinupunasan ang luha ng anak niya. "M-Mommy.. c-crush din daw si Eryd ng crush niya, Mommy. Hindi ako payag, Mommy!" sigaw nito at muling umiyak. Nagkatinginan naman sina Regulus at Vien. Samantalang si Primus at si Chandria ay tinawanan si Toubias.
"Bakit, crush mo ba si Eryd kaya hindi ka papayag na crush din siya ng crush niya?" nang-aasar na tanong Chandria. Nakisali na rin si Primus sa pang-aasar sa inaanak niya. "Oo nga, Touv. Pero, If I were, hindi ko siya hahayaan na mapunta sa crush niya. I'll cut his neck and-" Regulus cut him off.
"Primus, your mouth." madiing wika ni Regulus pero may munting ngisi sa labi non. Kinuha niya ang anak niya at siya na ang nagpatahan dito. Nagkatinginan naman sila ng asawa niya. He smiled at her and she did it too.
"Sana lang talaga ay hindi ka magmana sa akin, Tobi." wika ni Regulus. Natawa naman sina Primus at Vien. But seriously, ayaw niyang mamana ng mga magiging anak nila ng asawa ang ugali niyang torpe at duwag, but at least, naipaglaban niya rin sa huli ang nais ng puso niya.
He just hope that what happened in their love story would not happen to his son's love story.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomansaThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...