"Vien, Maaga ang alis natin bukas so please, bilisan na natin dito."
Napatigil sa pagtingin ng bikini si Vien dahil sa sinabi ng asawa niya. She confusedly look at him. "Maaga pa naman, three PM pa lang," depensa niya bago binalingan muli ng tingin ang itim na bikini swimsuit na nakaagaw ng pansin niya kanina. Her husband is wearing a brown khaki shorts and white t-shirt for the top. Siya naman ay nakasuot ng gray trouser na pinaresan niya ng fitted top.
"Kahit na. Time is gold, Vien." ungot ni Regulus. Bitbit nito ang isang supot ng mga pinamili nila para sa baon nila sa biyahe. Napili nilang sa Subic Beach Resorts sila magbabakasyon. Halos dalawang oras ang magiging biyahe nila mula Manila papunta roon.
"Okay, fine. Just wait. Babayaran ko nalang din naman ito then we'll go home," ngumiti si Vien bago pumunta na sa counter dala ang bikini at binayaran niya na ito. Nakasunod lang sa kaniya si Regulus.
"Thanks god! Makakauwi na rin tayo," wika ni Regulus matapos na maibigay kay Vien ng kahera ang paper bag na may lamang pinamili niya.
"Oo na. Para kang bata, Regulus." Natatawang sambit ni Vien bago sumabay maglakad sa asawa niya. Pareho silang naglakad papuntang parking lot kung saan nandoon ang kotse ni Regulus.
"Mauna ka ng pumasok. Ilalagay ko lang ito sa compartment."
Tumango lang si Vien at binigyan ng ngiti ang asawa bago pumasok sa loob ng kotse. Umupo siya sa front seat. Tuwang-tuwa siya ngayon.
After Regulus and her talked, medyo gumaan na ang pagsasama nila. Hindi na palaging masungit si Regulus pero minsan naman nagagawa pa rin nitong magalit o mainis. Pinagpapasensiyahan niya na nga lang. She loves him and she understands him.
Sa bawat araw na dumadaan. Palalim nang palalim ang nararamdaman niya para sa lalaki. She can't help it. Bawat pagsilbi niya sa lalaki ay buong puso iyon kahit na minsan ay pansin niyang nagtataka na ito sa kinikilos niya.
Ayaw niya pang malaman ang nararamdaman niya para sa lalaki pero mukhang nahahalata na nito.
"Let's go," tumingin si Vien sa gilid niya. Nginitian niya ang asawa. Nangunot pa ang noo nito bago umiwas ng tingin. Ilang segundo lang ay umalis na rin sila. Kahit na medyo ayos na si Vien at Regulus. Hindi pa rin sila nagsasama sa iisang kuwarto and Vien understands why.
"Ano palang gusto mong ulam? I'll cook it," Biglang nagsalita si Regulus sa gitna ng mahabang katahimikan.
"I want pininyahang adobo. I'm craving for it," sagot naman ni Vien. Nasanay na si Regulus na magluto para sa kanilang dalawa. Hindi na rin ito nag-open up pa tungkol sa hindi kayang magluto ni Vien.
She doesn't know why. Basta ito na ang nagluluto para sa kanila. Unless 'pag may pasok ito sa tanghali at mag-isa lang siya sa bahay nila.
"Okay. I'll cook that," wika naman ni Regulus na may munting ngiti sa labi. He seems happy. Saglit itong tumingin kay Vien bago binalik na rin ang tingin sa daan. Vien smiled too. Masaya ang puso niyang medyo nagka-ayos na sila ng asawa.
BINABASA MO ANG
Mr. Vallega's Ex-wife [COMPLETED]
RomanceThey were a product of forced marriage. After five months of being married, something happened that lead them to get divorced. After eight years, they meet again. Everything changed. If before, Vienna Shalice Flamean was the one who was deeply in l...